Chapter 05
Bago dumating ang araw ng deployment namin patungong Basilan para sa isang info. Operation, tatlong araw simula ngayon ay naging madalas ang pagkikita namin ni Maribeth. Mas lalong gumaan ang loob namin sa isa’t isa. Minsan bago siya aalis mula sa office ni general ang daddy niya ay may oras talagang nag-uusap muna kami kahit kalahating oras man lang.
Hanggang sa dumating sa puntong nais ko ng aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman at sabihin sa kanya kung maari ko ba siyang ligawan pero natatakot ako baka hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin, hinahadlangan ako ng pangamba na baka pagkatapos na malaman niya ay lalayuan niya ako at iniiwasan ko rin na baka malaman ni Gen. Flores at ilalayo niya sa akin si Maribeth. Darating rin ako diyan, After the Basilan operation, wika ko sa aking sarili. Oo, pagmakabalik na kami ay aaminin ko sa kanya ang lahat. Ang lahat nanararamdaman ko para sa kanya na walang mintis, swak na swak at may paghahanda.
************
April 03.11; Time: 1020 hours; Basilan
Dumating na rin ang araw na aming hinintay. I was assigned to be the second in command officer to my co-private soldiers. Nakasakay kami sa likod ng 6x6 military truck; tahimik ang lahat ng mga kasamahan ko habang tinutungo namin ang base sa Basilan.
Napatingin ako kay Mark na tahimik rin sa kanyang kinauupuan habang bitbit niya sa kanyang likuran ang radio system. Siya ang naatasang maging signal officer sa field dahil magaling siya sa military mapping and very intelligent pagdating sa mga routes and location measurements that’s why a week prior the operation he undergone advance training first para dito. Nilibot ko rin ng tingin ang iba kong mga kasamahan, ang iba ay halatang kinakabahan at ang iba naman ay pinipilit pakalmahin ang mga sarili, normal lang para sa mga baguhan, lahat naman siguro kami ay pataas ng pataas ang level ng anxiety sa mga oras na ito.
Upang mapakalma ang aking sarili ay inisip ko nalang mga araw na nagkasama kami ni Maribeth at ang mga sinabi niya sa akin bago sumapit ang araw na ito.
“P-pasensya na Maribeth medyo natagalan ang break namin, kasi medyo madugong paghahanda talaga ang aming ginagawa ngayon para sa operation namin bukas sa Basilan.” Paliwanag ko.
“I-it’s okay Phil, so tuloy na talaga kayo bukas..”
“Definitely.”
“Hindi ka kaya mapahamak doon? Parang dilikado kasi..”
“Danger is the nature of my work. A matter of life and death….”
“Ahmm, yeah, I know right. Hindi ka ba pwedeng umatras..?”
“hehe. Uie! Concern siya..” birong wika ko pa sa kanya.
“Whatever!”
“ito naman, just a joke. Wala sa bukabularyo ko ang umatras and it’s our big chance na patunayan ang mga skills na natunan namin.”
“Well, kung sa bagay. You are trained for that kind of job.”
“hehe. Yes.” Ngiting sagot ko. “ahmm, don’t worry I’ll survive and return uninjured and alive.” (just for you Maribeth) pagpatuloy na wika ko sa aking puso at isipan na may sinseridad.
“You should Phil, you should come back.”
Habang naiisip ko ang huling katagang ‘yun mula sa kanya mismo ay hindi ko mapigilang mapangiti at yeah, sabihin nalang nating kinilig ako, and who cares kung ganun ang naramdaman ko, kahit sundalo kinikilig din naman.
Naalis lamang ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig ko si sarhento na mahinang kinanta ang AFP hymn ang Ako’y Kawal Pilipino;
Ako’y kawal Pilipino;
Maka-Dios at maka-tao;
Marangal at may katwiran;
May damdamin at prinsipyo;
Buong Luzon at Visayas;
Mindanao ang teritoryo;
Iingatan at mamahalin;
Kapalit man ay buhay ko;
Nagsimula sa mahinang boses ang pagkanta niya sa unang stanza ng kanta, alam kong pinapalakas ni sarhento ang mga loob namin upang madivert ang aming mga kaba sa mga oras na ito.
Pumako ang mga tingin namin sa kanya. Napahinto siya sa pagkanta pero bigla naman itong dinugtungan ng isa pa naming kasama;
Ako'y kawal Pilipino;
Bantay ng ating Bayan;
Ilog, dagat, himpapawid;
Lupa, Bundok kagubatan;
Bantay ng ating Bayan;
Ilog, dagat, himpapawid;
Lupa, Bundok kagubatan;
Ngayon ay dalawa na sila ni sarhento na kumakanta, hanggang sa isa-isa namin silang sinabayan. Napuno ang mga mukha naming lahat ng ngiti at bahagyang nawala nga ang aming mga pangamba sa pagkakataon na ito;
Kung mayroon mang magbabanta;
Kalahi man o dayuhan;
Kahit ako'y maging bangkay;
Babangon at hahadlangan
Inakbayan ko si Mark habang ngiting kumakanta rin kahit sintunado ay ramdam namin ang kanta, kung ano kami bilang mga kawal Pilipino.
Army, Air-force at ang Navy;
Bantay bayan araw gabi;
Sa lupa man o himpapawid;
Karagatan handa kam-
Naputol lang ang aming pagkanta ng biglang gumulantang sa aming paglalakbay ang isang napakalakas na pagsabog.
Usok,
Apoy,
At dugo
Ang nakita ko sa paligid matapos ang pagsabog.
“Budz! Yuko!” sigaw ni Mark sa akin habang bigla niya akong hinila at sumunod uli ang pangalawang pagsabog.
Nahimasmasan ako. We are under attack.
Muling umalingawngaw sa tahimik na daan na pinalilibutan ng mga puno at mula roon sa tagong sulok ng gubat ay nagsisilabasan ang mga bala.
Sunod-sunod ang mga putok ng mga armalayt.
“Calling black hawk 2-3! We need back-up…back-up…over.. We are under attack…over.” rinig ko si Mark na humihingi ng reinforcement mula sa head quarter gamit ang code name.
“Matanglangit! What the hell are you doing! Cover your ass up!” sigaw ko ng makita kong tumayo ito bigla at galit na pinuputukan ang mga nangambush sa amin.
Nasaan si sarhento?.
“Sarhento!” sigaw ni Rolan Santos ng makita niya si sarhento na naipit sa natumbang sasakyan at sugatan ang balikat.
“Budz, Kumusta ang reinforcement…”
“Damn fucking not yet!” he cursed. “Black hawk.. this is 18th Eagle, we need back up…back-up…over..” pagpatuloy niya sa pagcontact.
“Fuck them up!” sigaw ko habang ginagantihan ng putok ang mga kalaban.
Muli kong tiningnan si sarhento, na pilit pinagbabaril ang mga kalaban sa malayo.
“Cover me! kailangan nating maalis si sarhento…”
“Assist me..” tugon ko kay Eric.
Tumango si Eric sa akin.
Humanap kami ng tamang tyempo para mapuntahan si Sarhento. Saglit na nahinto ang kabila sa pagpapaputok ay agad kong hinugot ang pin ng granada at inihagis sa kanilang kinaroroonan, pagkatapos ay sunod-sunod na pinuputukan ni Eric at ng iba pa ang mga kalaban upang mahirapan sila na makabawi sa amin at ng sa ganun ay makapunta kami agad ni Eric sa kinaroroonan ni sarhento.
Hindi namin inasahan na ganito ang mangyayari kahit hindi pa talaga nagsisimula ang tunay naming misyon dahil dapat ay pupunta pa kami sa kampo para isagawa ang final designation of our individual task sa actual field na talaga.
Sa oras na ito ay kailanganin naming maginitiate dahil lahat kami ay mga baguhan pa sa ganitong klaseng encounter. Si sarhento, at dalawang señor lang ang aming kasama ngayon. Sa unang pagsabog ay tatlo na agad ang natumba sa amin at isa doon ang isang senor at lubha namang napuruhan ang isa pang senyor sa amin dahil sa kumalat na pulbura sa kanyang likuran mula sa unang pagsabog kanina. Since I am the second in command sa hanay namin kailangan kong panguluhan ang aking mga kasamahang privates.
“Sarhento…” sambit ko sabay akay sa kanya.
“Damnit… ang paa ko.” Wika niya. Naipit ang paa ni sarhento ng matumba ang sinasakyan naming truck mabuti nalang at may bag sa ilalim kung kayat di masyadong nabigatan ang paa niya at kaunting fracture lang.
Sinubukan kong buhatin ang nakadagang bakal sa paa niya pero hindi sapat ang lakas ko para mabuhat ito.
“Sir…kailangan niyoo ng bilisan!” sigaw ni Rolan.
“Ahhrrgg.. mabigat.”
“Damnit.. iwan niyo na ako dito.. you need to call back-up.”
“Hindi pwede sir, kailangan kang makaalis dito..” pamimilit ko, dahil hindi ko naman talaga kayang iwan na ganun ang kalagayan ng head namin. “Eric, tulongan mo ko buhatin ito..” sigaw ko kay Eric na nagpapaputok sa mga kalaban.
Dagli akong tinulongan ni Eric at pagkatapos ay sabay naming binuhat ito. Bahagyang naiangat namin ang bakal at agad hinila ang paa ni sarhento.
Akay-akay naming dalawa ni Eric si sarhento pabalik sa aming pinagtaguan kanina.
“Eric!!!” napasigaw ako sa pangalan niya ng natamaan siya ng bala sa binti.
“Sige k-kaya ko pa… p-paa lang toh..” wika niya habang tinitiis ang sakit at mabilis kaming nagpatuloy. Habang yung mga kasamahan ko ay patuloy sa pagcover up sa amin at ng sa ganun ay hindi agad kami ang mapunterya ng mga kalaban.
Hanggang sa lumipas ang limang minuto ay biglang sunod-sunod na sumabog ang parte ng pinagtataguan ng mga kalaban.
Namayani muli ang pag-asa sa amin. Dahil dumating din sa wakas ang reinforcement.
Matapos ang encounter na ‘yun ay naging laman kami ng balita sa buong bansa at kahit sa CNN.
Anim sa amin ang namatay, at tatlo ang sugatan. Sunod-sunod ang tawag na natanggap ko. Mula kay mama, kay lolo at kina ate at kuya. Tinext ako ni papa pero kahit ‘yun lang ay Masaya na ako. Nagalak rin ako ng tinawagan rin ako ni Maribeth, ramdam ko rin ang labis na pag-aalala niya sa akin na siya namang ikinasaya ko dahil may rason nako para isagawa ang binabalak kong pag-amin sa kanya pagbalik namin pagkatapos ng operation.
Nahuli namin ang mga terorista at natunton namin ang kanilang mga hideouts.
Nagpasalamat rin sa akin si 1SGT David John Lamparas sa pagtulong namin sa kanya.
Masaya din ako at kaming dalawa ni Mark ay buhay pa at sabay kaming makakabalik muli sa camp. Kaharap ko siya ngayon, nguya-nguya ang bubble gum dahil sa lakas ng pressure sa himpapawid sapagkat nakasakay kami ngayon sa chopper pabalik ng camp.
Lampas isang oras din ang tinagal namin bago tuloyang makarating.
“Oh! Parang balisa ka ata huh? Budz tapos na ang gera..”
“Ah eh basta.. sasabihin ko sayo maya…”
“ahmm okay..”
“Sige budz mauna na muna kayo may pupuntahan lang muna ako…”
“Oh sige, balik ka agad baka hanapin ka…”
Ngayon ay kaharap ko na ang St. Ignacios church. Marahan akong pumasok, sana dumating siya. Hiling ng aking isipan. Tahimik ang paligid, tanging huni lang ng ibon at ang ingay ng mga apak ko ang umaalingangaw sa nakaabinging katahimikan sa loob ng simbahan.
M-Maribeth? Bulong ko ng makita ko siya na nakatalikod. Alam kong siya ang babaeng nauna pa sa akin na nakarating sa simbahan. Lumakas ang pagtibok ng aking puso, nakakabingi, at mas nakaramdam ata ako ng kaba sa oras na ito kesa sa nangyaring encounter namin sa basilan. Huminto ako saglit at huminga ako ng malalim upang mapakalma ang sarili. Bahala na kahit ano ang kakahantungan nito basta ang mahalaga malaman niyang gusto ko siya dahil kailangan ko siya at higit pa sa pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya.. Wika ng aking sarili. Habang papalapit ako ng papalapit sa kinauupuan niya ay tila pakiramdam ko ay lilipad ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ang kabahan na ipagtapat ang aking nararamdaman sa isang babae, malayo sa dating mga naging kasintahan ko
Akma na sana akong hahawak sa kanyang balikat at tatawagin ang pangalan niya, pero bigla siyang tumayo.
“P-Philip…?” bigkas niya sa pangalan ko habang nakatalikod pa ito.
“Hehe. M-maribeth..” pangalan lang ang naisambit ko habang pinipilit na ngumiti para matakpan ang kabang naguumapaw sa dibdib ko.
Marahang lumingon siya sa akin, “Aahh eh hindi ko inexpect na mas mauun- ahmmm”
Alleluia!!! Am I dreaming? Oh God!!! Sana hindi ito panaginip! sigaw ng aking puso na halos malunod sa biglaang PAGHALIK ni Maribeth sa akin. Kung kanina ay halos sasabog ang dibdib ko ngayon naman ay matutunaw ako sa sarap na halik na aking naramdaman. Kahit sabihin pang marami na akong nahalikan pero kaiba ang halik na aking nararanasan ngayon, puno ng pagmamahal, pananabik at uhaw sa isa’t isa. Parang nagliwanag ang aming paligid, para akong tinubuan ng pakpak at binalot ako ng saya sa kaloob-looban ko sa pagkakataong ito.
Natigilan si Maribeth sa paghalik, nasilayan ko ang pisngi niyang malarosas sa pula marahil nakaramdam ito ng hiya sa ginawa niyang biglang paghalik sa akin.
“aahh- P-Phil-“ putol na sambit niya sa akin ngunit napatigil lang ito ng hindi pa ako nakontento at muli ko siyang hinila padikit sa katawan ko at muling inilapat ang mga labi ko sa labi niya. Isang klaseng halik na puno ng pananabik at pagmamahal.
“Simula noong gabing una kitang nakita at nakilala ay hindi ka na naalis isip at puso ko Maribeth. Mahal na mahal kita!” madamdaming wika ko sa kanya na puno ng sinseridad at niyakap ko siya ng mahigpit.
“And as much as I did Philip. That’s why I really asked my dad na ikaw ang maging kasama ko sa pagpasyal because after that night, I’ve always been wanting your presence, because with you I can wholly feel the security and now the love. Hindi ko maalis ang labis na pag-aalala ng marinig ko ang balita sa nangyari sa inyo doon sa Basilan.”
“Do you still remember noong nagpaalam ako sayo na I’ll survive and return safe and alive…?” tanong ko.
“Ahm..yes you told me that”
“dahil may karugtong yun. That statement was for you Maribeth.. I will survive for you and come back for you… because I love you more than you’ll ever know, more today than yesterday and you are my life…”
“ahmm, lalim niyan huh..Thank you Phil, and I love you more..” biro pa niya sa akin.
“Naman! So tayo na talaga..”
“Baliw, kanina pa!”
At muli kaming naghalikan. Naging saksi ang simbahan sa aming pagmamahalan na di ko suka’t akalain ay matagal na palang nabuo sa aming dalawa.
Ahmmm mga minamahal kong mambabasa sana po ay makapag-iwan kau ng komento ng sa ganun ay malaman ko kung kmsta ang story para sa inyo po:) salamat.
ReplyDelete