Sunday, June 16, 2013

ISR: Chapter 03



ChapteR 03

          This is it! My new world! Wika ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay magiging official na kasama na kami ni Mark sa Philippine Armed Forces. Nakakaproud sa sarili na sa kaloob-looban ko’y ang paging sundalo ay sinadyang nakatadhana para sa akin. Sa isip, sa puso at sa mga gagawin namin sa hinaharap.
          “GODDAMNIT! Villarama are you listening!” sigaw sa akin ni Lieutenant Enrique Delos Reyes. “Presence of mind! Punyeta!”
          “Sir Yes Sir!” sagot ko, with firm and snappy voice.
          “Give me fifty push-ups!”
          “Yes sir!” mabilis kong sagot. –then I drop like a log-, sabay bilang habang tinutulak ang katawan taas-baba gamit ang braso, “1-2-3-4-5-6……….”
Ganito ang buhay sundalo. Every mistake ay may katumbas na punishment. Pero ang fifty push-ups ay chicken lang yan. Hanggang sa patapos na rin ako sa pagexecute ng fifty push-ups. “46-47-48-49 and 50!”
“Fifty push-ups sdonesir!” pagkompirma ko sa kanya. Ang pagsalita namin pag may S ay dugtong-dugtong.

“Today your journey starts, pumasok kayo sa pagsusundalo upang hindi maglaro ng baril-barilan, dahil totoong armas ang inyong hahawakan. Sinubok ang inyong katatagan upang mapatunayan sa hukbo na karapat-dapat kayong maging alagad ng kaayusan at kapayapaan. Being a soldier means a lot to our country, to the civilians, and to your comrades! We should stand and fight until the last drop of our blood, this is our duty to protect and to fight for our country. This is our world, asahan niyong mas higit pa sa dinaanan niyong pagsubok ang mararanasan niyo sa mundong ito. Dahil simula ngayon hindi na kayo kaisa sa mga sibilyan, sapagkat habang suot niyo ang uniform niyong iyan ay bitbit niyo ang responsibilidad na protektahan sila, ang mga sibilyan at ang buong bansa. Matuto tayong maging tapat at responsable sa mamayan at sumunod sa utos ng nakakataas sa atin at sa ilalim ng utos ng commander in chief. Tayo ay sinanay, para maging katuwang sa kapayapaan at pagsugpo ng kaguluhan at terorista sa ating bansa.” Mensahe sa amin ni lieutenant, na ang bawat salita niya ay puno ng kahulugan at katapatan sa tungkulin.
“Do you understand private soldiers!”
“SIR YES SIR!!!” sabayang pagsang-ayon naming lahat.
“Again, do you understand soldiers!!!”
“SIR YES SIR!”
“Fall out!”

**********

          Oras na ng tanghalian, isa-isa kaming nagpilahan para mabigyan ng pagkain. Dalawang sandok ng kanin, isang hiwa ng pritong isda, isang pirasong kamatis, isang hinog na saging at chicken soup, ito ang pananghalian naming lahat. Malayo sa pagkain sa bahay na halos palagi fiesta. Pero ganito talaga, bawal ang umangal dahil kung marinig kang umaangal ay wala kang makakain. Isa iyan sa batas namin pagdating sa pagkain. Ika nga we should learn eating like a slave dahil pagdating ng panahon na kailangan naming kumain ng damo ay sanay na ang aming tiyan para mabuhay sa gitna ng kagipitan. Sa katunayan nga nasali sa pag-aaral namin ang iba’t ibang klase ng mga halaman na pwedeng kainin sa gubat, pati dahon at kung paano rin maghuli ng cobra at saang bahagi nito ang dapat kainin o tanggalin bago kainin o bago higupin ang dugo nito. Natutunan din namin pano gumawa ng apoy na walang gamit na posporo o lighter, gumawa ng bitag para manghuli ng ibon, binaw, baboy ramo at iba pang mga hayop. Lahat natutunan namin sa loob ng survival zone.
         
          Matapos ang tanghalian ay naatasan ang company namin na maghakot ng lupa para gawing sandbag o yung sako na pinupuno ng lupa at pinagpapatung-patong for field fortification.
          Habang naghahakot kami ng lupa, narinig ko ang pagtatawanan ng iba kong kasamahan.
          “Pare ang ganda talaga niya..ang sarap niyang ikama…” kwento ni James sa grupo niya habang nagpapala ng lupa. “Kung hindi lang talaga siya anak ng tigre, malamang matagal ko na siyang niyayang mag-one night stand..” dagdag pa niya at muling naagtawanan ang mga kasamahan niya.
Sabi nga ng karamihan, na sa sampung tupa ay may isa talaga sa kanila na ugaling kambing, at masasabi kong isa si James na yun na may ganoong paguugali. Iwan ko ba kung bakit nakapasa ang kurimaw na ito. Walang ibang alam kung hindi ang magsimula ng gulo, mahilig magkwento ng mga kabalbalan, at higit sa lahat mayabang. Naririnig ko ang mga salita niya mula sa isang lote na pinaghakutan rin namin ng lupa.
          “Pare, kung nakita nyo ang dibdib niya fuck! Nakakalibog!” wika niya uli tapos muling nagtawanan ang lahat.
          “Pare bakit hindi mo naman sinabi sa amin agad na dumaan pala siya kanina sa opisina ng tigre..” wika ni Zalde.
          “ahh…mga brads dahan-dahan kayo sa mga salita baka marinig kayo sa taas..” singit ko sa kanila.
          “Hindi naman nila kilala tinutukoy namin pare…”
          “Bakit sino pala tinutukoy niyong tigre…” pagklaklaro ko.
          Nagtawanan ang grupo. Lumapit sa akin si Zalde, Ang heneral ang tinutukoy nila, nakita kasi ni James ang anak nito pinagmamayabang niyang nakalibog daw …
          “S-si Maribeth ba?”
          “Aba kilala mo? Uu Maribeth daw pangalan narinig ni James kanina na tinawag siya ng tigre..”
          Nang malaman ko na si Maribeth pala ang kanina pa nilang pinagpipistahang pagpantasyahan at bastusin ang imahe nito, ay bigla akong nakaramdam ng galit hindi ko alam kung bakit at dahil kung tutuusin ay wala din naman akong karapatan para maramadaman ito.
          “Pare hindi namin alam na kilala mo pala siya, hanep ka baka naman naunahan mo na kami sa kanya ano…”
          Huminga ako ng malalim, lalong uminit ang ulo ko, umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking batok, hindi na ako nakapagpigil at sa di malamang kadahilnan ay bigla ko nalang kiniwelyohan si Zalde.. “Putang ina! Wag na wag mong pagsalitaan ng ganyan si Maribeth!!” sumbat ko sa kanya habang mahigpit na hinila ang kwelyo ng army shirt nito.
          “Eh gago ka pala eh! Sino kaba sa inaakala mo para pagsabihan mo ako niyan, bakit syota mo ba siya huh!” sumbat din sa akin ni Zalde sabay tulak sa akin.
          Susugod na sana ako uli sa kanya ng bigla nalang ako hinarang ni Mark, “Budz tama na iyan… baka mahuli pa kayo…”
          Pinilit kong pinakalma ang sarili. Hinawi ko ang kamay ni Mark mula sa pagkakahawak niya sa braso ko, umalis at muling bumalik sa aking pinaghukayan na lupa. Napaisip ako sa sinabi ni Zalde sa akin, tama nga din naman siya wala akong dapat ikagalit at pagsabihan siya na ihinto nila ang pagpapantasya kay Maribeth dahil hindi ko naman sya syota o wala naman kaming relasyon, sa katunayan ay sandali lang naman ang aming pagkikita nung gabi ng party. Tahimik lang ako habang nagbubunkal sa lupa, at si Mark ay tahimik lang din sa kinatatayuan niya.
          Muli kong narinig ang kanilang tawanan at hiyawan, at muli ko na naman narinig ang pangbabastos ni James kay Maribeth kahit wala pa itong binabanggit na pangalan at sinasabayan din naman ito ni Zalde. Nanigas ang panga ko, napahinto ako sa pagbubungkal, hindi ko talaga alam kung bakit ganito nalang kaapektado sa ginawa nilang pangbabastos kay Maribeth. Nangdilim ang aking paningin.
          “Pare, sa susunod pag nakasalubong ko siya..sisiguraduhin kong ma-“ napahinto si James sa kanyang sinabi ng matamaan ko siya sa mukha mula sa binato kong binilog na lupa na tumigas dahil sa gigil ng aking kamao. Tumakbo ako patungo sa kanya at sinugod ko siya ng suntok. Narinig ko ang hiyawan ng lahat, parang mga bata na nakikinuod lang ng boxing. Susugurin rin sana ako ni Zalde pero bigla naman siyang sinipa ni Mark at silang dalawa ngayon ang nagbubunuan habang kami rin dalawa ni James. Naging maingay ang lahat, narinig ko pa na pinagpustahan kami ng mga kasamahan namin na parang nagsasabong lang.
          “PUNYETA!!! ENOUGH SOLDIERS!!!!!” Galit na suway sa amin ni Lieutenant.
          Biglang tumahimik ang paligid, isa-isang nagalisan ang ibang naming kasamahan.
          “WHAT IS THIS? CAN SOMEONE TELL ME WHAT THE FLYING F IS GOING ON HERE!” dagdag na sumbat niya sa amin. “This is beyond disappointment private soldiers!!! Do you really consider yourselves a soldiers? huh? Para kayong mga bata sa lansangan!”
“N-no si-“
“Shut the fuck up!!! I don’t want to hear your fucking voice (Zalde) Diamante! You guys are such a disappointment!!!”
          Natahimik kaming lahat.
          “Fall in!” sigaw niya sa amin at kasabay nito ay mabilis kaming humanay. Dahil ako ang mas matangkad ako ang pinakauna sa hanay.
          “Take my command….Humanda!” utos niya at pagkatapos ay matulid kaming tumayo. “Tikas ‘nga!”” at muli naming hinati ang aming mga paa ng 12 inches apart at inilagay ang mga kamay sa likod; breast-out, stomach-in and tiger look.
          “Anong tawag niyo sa inyong mga sarili? Mga inutil! Para kayong mga bata sa lansangan! Kulang pa ba ang mahigit apat na taon para maputol ng tuloyan ang inyong mga sungay?”, galit niya sa amin. Sa totoo lang ay nahiya ako sa sinabi ni serhiento. Para nga kaming mga batang lansangan sa mga inasal namin kanina.
          “at nasali ka pa talaga dito Villarama!” tuon niya sa akin. “Hindi mo naisip ang parangal na natanggap mo bilang outstanding cadet… such a damn fucking disappointment to your family name!” paglait niya sa akin. “And to you, Diamante, (Mark) Dizon, and (James) Fuentes… isa pa kayo mga kulang sa disiplina!”.
          Halos mag-aapoy na ang mukha ni Lieutenant sa galit at kulang nalang uusok ang tenga nito dahil ramdam namin ang galit at pagkadismaya sa amin.
          “200 squat thrusts!”
          Dang! Ito na nga ba ang sabi ko. “Sir yes sir!” Sabay-sabay naming banggit at pagkatapos ay sinimulang inexecute ang dalawan-daang squat thrusts. 1…..2…..3….4….5…..6…..and so on…
          Natapos kaming lahat na ligo ang sariling pawis, take note- bawal sa amin marinig na hinihingal.

          “ ‘tong humanda!....”
“Hindi ko na gustong makita pa uli ang mga nangyari kanina. Do you understand soldiers!”
          “Sir yes sir!”
          “Naiintindihan niyo ba ako!?”
          “Yes sir!”
          Maya pa’y isa-isa tinawag ang mga apelyedo naming ni Mark.
          “Villarama!”
          “Sir!”
          “Matanglangit!”
          “Yes sir!”
          “Dizon!”
          “Sir!”
          “and Santos!”
          “Sir!”
          “Remain where you at, and the rest who haven’t called- fall out and go back to your work!”
          SIR YES SIR!
          Ano naman kaya ang gagawin sa amin bakit nasali ako sa tinawag. ‘wag mong sabihing paparusahan na naman kami.
          “Colonel wants to see you.”
          What? Sergeant colonel wanted to see us? The hell why? –isip ko.
          “Sir yes sir!”
          “Proceed!”
         
          Now the four of us are inside colonel’s office.
          “Private Pilip Rey Villarama, first platoon leader of the alpha company sir! pinatatawag niyo po kami.” bungad ko bilang platoon leader na nakasalute.
          Ginantihan din kami ng pagsalute ni colonel.
          “Pinatawag ko kayo para sa isang misyon.”
          Mission? Tama ba ang narinig ko. Tanong ko sa aking isipan. Nagkatinginan kami ni Mark.
          “The four of you have been chosen by Captain Macapas to be part of the Basilan Information Operation by next week. We found out that dito nagtatago ang ibang myembro ng terrorist network ng Jemaah Islamiyah.”
          Medyo dilikado ang operasyong gagawin pero instead na makaramdam kami ng takot natuwa pa kami dahil bihira lang sa mga baguhan na masali sa ganito ka complicated na undercover operation lalo pa’t hindi pipitsuging terorista ang sasagupain namin sa Basilan.
          “You’ll be joining the intelligence under 18’th infantry battalion to be deployed in the site. So prepare yourself because it’s your time to show your abilities and skills that you’ve learned for more than four years.”
          “Yes sir!”
          “After here, meet Capt. Macapas for your functions in the area.”
          “Thank you sir!”
          “before that, Private Villarama, you have been requested by General Flores to escort her daughter na ipasyal sa AFP camp tomorrow. Take good care of her and make her enjoy the tour.”
          “Sir yes Sir!” Tama ba ang narinig ko? Escort, ako? Si Maribeth ang makakasama ko bukas….? Sabik na wika ng isipan ko.
          “Okay good. The four of you may go now.”
          “Permission to proceed sir.”
          Nagsalute sa amin si Lieutenant at pagkatapos ay humakbang kami one step backward at tumalikod upang puntahan si kapitan para sa mga gagawin naming next week.
         
          Pero habang naglalakad ay bigla akong siniko ni Mark.
          “Para atang hindi masukat ngiti sa mukha mo ngayon huh..”
          “hehe- halata ba budz?”
          “Masyadong halata ang abot tenga mong ngiti ulol!”
          “Syempre..” galak kong sagot.
          Nilingun-lingon lang ni Mark ang kanyang ulo at natahimik.
          At ako naman ay tahimik ring napaisip. Mali, tahimik na iniisip si Maribeth para sa gagawing pasyal namin bukas. Kaya naman siguro halos hindi mailarawan ang sayang naramdaman ko ngayon.
         

No comments:

Post a Comment