“I Shall
Return”
Ni Gij Clav
Chapter 1
Napakatingkad ng sikat ng araw, mainit, at
napakamaaliwalas ng panahon. “Maaliwalas”, bulong ng aking isipan habang
nililibot ko ng tanaw ang paligid at syempre mata lang ang dapat gumalaw sa akin
sa oras na ito dahil bawal ika nga ang extra movements.
Mahigit apat na taon
din ang tiniis ko at ng aking mga kasamahan sa loob ng akademya at sa apat na
taon na ‘yun ay dugo’t pawis ang aming naging puhonan. Naging kama namin ang
putik, naging kaibigan namin ang dumi, naging appetizer namin ang sili,
natutonan naming kumain, sumubo at ngumuya nang mas mabilis pa sa kidlat,
naging boses namin ang 1-2-3 at Sir yes
Sir! at higit sa lahat naging musika na namin ang mga voice of commands
from the upper-class cadets who became our instructors and gave us the tremendous
and breathtaking exercises. Nevertheless, upang makayanan ’yun lahat inisip ko
nalang “Hey Philip you got to be strong this is for your country, to become a
soldier is not just like eating a slice of cake. Just think about “Darna” man!
the known superhero of the Philippines before she would transform into a
superwoman kailangan pa niyang lumunok ng bato mahirap ‘yun, at pasalamat ka nalang
dahil hindi naging kasali sa training niyo ang paglunok ng bato eh baka
constipation ang labas mo ngayon…”. Natatawa na lamang ako kapag naiisip ko ‘to
minsan. Tama din naman.
Sa araw na ito ay
hindi mukha ng hirap at pagod ang aking nakikita sa aking mga kasamahan kung
hindi sigla at maaliwalas na ngiti sa kanilang mga labi at tuwa sa kanilang mga
mata. Hindi ko pinagsisihan ang maging parte ng PMA, sa kabila ng mga madugong
disiplina na kanilang ipinabatid sa akin sapagkat dahil dito nabuo ang tunay
kong pagkatao, nabuo ang superhero sa sarili ko.
After all, it’s our
own decision to be part of the Armed Forces and I know that those “madugong”
trainings that we went through inside the so called “Beast Barracks” were just
one of the pieces of asperities that we will be encountering ahead inside the
real world of being a National Guards of our country. The academy taught us
that fear is just a choice of someone who thinks of defeat, or as the product
of too much. Courage and hope are the basic options in order to survive in warfare.
We should value integrity and die with loyalty to our service, and finally we
have been molded to honor the country not to become a disgrace of our nation, we
were not trained to become a fighters but a to be the protectors, and we were
not called to become heroes but to believe in ourselves that we can be a hero
for the sovereignty of our race.
Hindi ko
makakalimutan ang mga naging parte ng aking buhay at siyang dahilan ko para
malampasan ang lahat ng mga ito, Lolo, La, Ma, Ate, kuya at lalo na sa Papa ko,
para sa inyo ang tagumpay na ito. They have been my source of motivations and strengths
na ibinuhos ko sa lahat ng aking napagdaanan sa loob ng apat na taon, sa mga
kapwa ko graduates at mga naging kaibigan ko sa loob ng academy, kayo ang
naging sandigan ko sa mahabang araw na hindi ko kapiling ang aking pamilya, maraming
salamat sa inyo, at higit sa lahat sa mga Head Corps Officers thank you for
being part our lives and journey of becoming a responsible, strong yet
God-fearing cadets.
At kung sakaling tatanungin
niyo ako uli, kung kakayanin ko na ba?
sagot ko ay “Sir yes Sir!” at kung sakaling sasabihin niyo sa akin na kaya ko
na bang protektahan ang bansang sinilangan at magbalik, sagot ko naman diyan,
“I shall return!”.
Humalo ang lahat ng
emosyon sa paligid. Umalingawngaw ang palakpakan ng mga palad ng mga taong
naroroon sa galak at pagkamangha. Kinamayan ako ng mga taong may mataas na posisyon
sa sandatahang lakas ng Pilipinas isa na dito ang Heneral ng buong hukbo at
higit sa lahat nakamayan ko rin ang presidente ng Pilipinas ang commander in
chief ng lakas. Halos maluha-luha ako habang nagaganap ang pagkakataong ito
pagkatapos kong mailahad ang aking Valedictory Speech at iginawad sa akin ang
parangal na di ko sukat akalin ay matatanggap ko. Ika nga, nagbunga rin ang
pinuhunan kong dugo at pawis.
**********
“Congratulations…”
bati sa akin ng lalaki sa aking likuran na may matigas na boses at hindi ako
pwedeng magkamali kung kaninong dominanteng boses ito.
“G-good
Evening General..” sambit ko ng makita kong si Heneral Flores ang taong bumati
sa akin, dagli akong sumaludo sa kanya at ginantihan din naman niya ako ng
mabilisang pagsalute. My grandfather invited him for a dinner party as way of
celebrating my graduation and thanksgiving bilang paging valedictorian ko sa
PMA. “Thanks for coming sir.” dagdag ko sa kanya at bahagyang dumungo.
"Good
job.." kinamayan niya ako sa pangalawang pagkakataon.
Di ko masukat ang tuwa na aking naramdaman sa gabing ito na pinaunlakan mismo
ng heneral ang imbitasyon ng lolo ko. Hindi rin naman ako magtataka kung bakit
hindi siya mahihindian ni Gen. Flores sa kabila ng napaka hectic na schedule
nito. Si lolo ay isa sa mga veterans na nakipaglaban noong World War II at
hindi rin sa pagmamayabang siya ay nahirang bilang kapitan ng batalyon. Naging matalik silang kaibigan ni Bernard I
Flores ang ama ng Heneral na siya namang naging Lieutenant Colonel noong
pangalawang digmaang pang-daigdigan ngunit sa kasawiang palad pumanaw din ito
dalawang taon na ang nakalipas dala ng katandaan. Sa kabuohan, masasabi kong
ang pamilya namin ay may kaugnayan sa isa’t isa ng dahil sa dalawang matandang
beterano.
My father is a successful businessman,
siya ang namamahala sa mahigit liman-daang ektaryang tubohan namin sa Negros
Occidental na pinamana ni lola na
pumanaw na limang taon na ang nakalipas. Nag-iisang anak lang naman si papa
kung kaya’t sa kanya napunta ang hacienda. Mula ako sa lahing espanyol dahil
ang ama ni lola ay purong espanyol at kalahating intsik at kalahating Pilipino
naman ang lola ko sa tuhod. Considering those facts tungkol sa lahi namin hindi
ko rin maipagkailang biniyayaan ako ng taglay na may magandang mukha. Maputi
ako pero ngayon sadyang nangitim narin ang kulay ng balat ko dahil sa training
ko sa PMA, may maganda at perpektong hugis na ilong, military cut na buhok pero
bumagay naman sa mukha ko, tama-tama lang ang paging singkit ng aking mata na
binagayan naman ng alluring hazel colored kong balintataw, mas naging
attractive at masculine ang dating ko pagkatapos ng training dahil sa kapansin-pansing
pag-angat ng mga muscles ko at six packs lalo pa’t 5’11” ang height ko. Malayo sa dati kong katawan
na medyo payat pa pero boy next door ang dating. Mayabang man pakinggan pero
wala akong magawa ganito talaga ang naging diskripsyon sa sarili ko. Almost
perfect ika nga.
Hindi
rin naman padadaig sa kagwapuhan ang kuya Marco ko na naging katuwang naman ni
papa sa pagpapatakbo ng paggawaan ng asukal, at kami ang naging isa sa main
distributors ng asukal sa Visayas. Si Ate Veronica naman ay mahigit dalawang
taon na sa amerika’ng nagtatrabaho naging Supervisor Nurse na siya doon sa
kilalang hospital sa Los Angeles.
Si mama ay nagmamay-ari ng tatlong
branches ng restaurants sa lungsod ng maynila dahil nga naman sa nakahiligan
niya ang magluto kaya’t naisipan niyang magtayo ng sariling restaurants na
pumatok naman sa panlasa ng mga tagalong and even to some foreigners. Mas naging
malapit ako kay mama dahil simula’t sapul pa lang ay siya na halos ang
nakakasama ko sa loob ng mahigit dalawang dekada. Malapit din naman ako sa lolo
ko lalo kung tungkol sa gyera ng hapon, amerikano at pilipino ang pag-uusapan
namin noong bata pa ako kaya naman ganito ako kapassionate pagdating sa
pagsusundalo. Minsahan ko lang kasi nakakasama si papa dahil laging busy sa
negosyo, at dahil business marketing ang tinapos ni kuya at mas masunorin kay
papa siya ang halos palagi nitong kasama pero masasabi kong malapit din naman
kami ni utol.
Ang salitang masunorin ay nakayanan
kong labagin. Ang paging sundalo ay ayaw ni papa, dahil mas gusto niyang dapat
maging parte ang karera ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Sinubukan ko rin
namang mag-aral ng Customs ayon sa gusto ni papa sa akin pero hanggang dalawang
taon lang ang tinapos ko dahil dropped out lahat ng subjects. Kahit na sabihin
pang may utak ako subalit ‘di rin maipagkakaila ang katotothanan na kahit gaano
kapa kagaling sa isang bagay kung hindi mo rin naman gusto ay hinding hindi ka
rin talaga magiging magaling. Nang malaman ni papa na hindi na ako nag-aral at
puro nalang pagbubulakbol ang ginawa ko sa kolehiyo, gasta roon at gasta rito
ay napilitan siyang pahintuin ako at pinatrabaho sa hacienda namin kasama ang
mga trabahador. Marami akong naging kaibigan sa hacienda, kahit mainit, makati
at nakakapagod ay hindi ko na ito naaalintana dahil naaaliw ako sa naging buhay
ko dito, simple at Masaya. Naging matalik na kaibigan ko sina Vincent, Mark, at
Radnie ang anak ng mga tenants na naging kasama ko rin sa pag-aani sa hacienda
at sila ang mga naging mentors ko kung pano magtrabaho sa sakahan. Halos kasing
tangkad lang kami ni Mark pero mas gwapo ako sa kanya at siguro kung purong
pinoy ako mas madadaig ako sa itsura ni Vincent ang pinakamaliksi at malakas sa
aming apat at sa singkitan naman ng mata daig ako ni Radnie. Sa paligsahan ng
itsura pangalawa sa akin si Mark dahil may dugong espanyol ang lolo niya at purong
mandaya naman ang kanyang lola, dati silang nakatira sa surigao.
Simple
lang naman ang libangan naming apat sa hacienda kahit na medyo naiilang pa sila
sa akin pero pinipilit kong maging komportable sila; sa umaga hanggang hapon ay
mag-aani kami ng tubo, maghakot at magkarga ng naaani namin sa truck para
dalhin sa pabrika, at pagpatak ng alas kwatro didiritso kami sa dalampasigan
para maligo dahil malapit lang ang dagat sa amin, pagkatapos maligo ay
maglalaro ng basketball, at minsan naman ang mangchix sa kabilang bayan, na sa
bandang huli ay sa akin lagi lumalapit ang mga dilag sa lugar.
Nakwento rin ni Vincent sa akin na
pangarap niyang maging sundalo at nagkataon na pareho kami ng gusto. Nang
nalaman namin na on going na pala ang PMA Entrance Exam sa Baguio ay gumawa ako
ng paraan, kinausap ko si kuya at tinulongan din naman niya ako pero minabuti
naming hindi muna ipaalam kay papa habang nasa Mindanao pa siya for 15 days
para sa bagong balak na negosyong papasukin niya sa Davao at balita ko balak
niyang bumili ng lupa roon para pagtamnan ng Cavendish isang variety ng saging
for exportation. Nang naging maayos na ang lahat ay sinabihan ko si Vincent
tungkol sa date of examination, na siya namang ikinagalak niya, kinumbinsi
namin sina Mark at Radnie pero tanging si Mark lang ang nahikayat ko dahil si
Radnie ay hindi niya maiwan ang lola niyang may sakit.
Makaraan ang isang linggo ay ipinadala
sa amin ang resulta. Nalungkot ako ng nalaman kong dalawa lang sa amin ang
nakapasa, bumagsak si Vincent sa Medical Exam dahil sa may nakitang problema sa
kanyang puso, Cardiomegaly, o ang pagmaga ng puso na kadalasan ang natatamaan
nito ay ang mga taong atleta. Gayon pa man Masaya narin para sa amin si Vincent
kahit nakikita namin ang labis na pagkadismaya sa sarili.
Nang makabalik na si papa ay
pinaghandaan ko na kung ano ang pwedeng mangyari, at tulad nga ng inasahan poot
at pagkadismaya ang ginanti niya sa akin. Pero nagpumilit ako at mas sinunod
ang gusto. Wala siyang magawa kung hindi ang pabayaan ako pero ang naging kapalit
ay kahit piso ay wala akong matatanggap sa kanya. Walang suporta. Pero ayos
lang dahil wala namang bayad ang pag-aaral sa PMA. Sa loob nga ng apat na taon
tanging si Mama at lolo lang ang nakita kong dumalaw sa akin. Si Ate at kuya
naman ay hanggang tawag lang sa akin at naiintindihan ko rin naman sila kung
bakit.
At sa loob ng apat na taon ng training
ay mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin ni Mark. Best Budz kami ika nga sa
hirap at ginhawa! At sa wakas ay sabay rin kaming nagtapos sa pagsusundalo,
Mistah na ngayon ang madalas naming tawagan sa isa’t isa.
No comments:
Post a Comment