Chapter 02
Habang
nasa kalagitnaan ako ng aking pakikipagusap sa mga bisita ay biglang nagring ang
cellphone ko, nang makita ko ang screen name ay si ate pala ang tumatawag sa
akin ngunit ang ipinagtaka ko lang ay gamit niya ang number niya dati yung nasa
pinas pa siya.
“H-hello
te..bakit ito ang ga-..” putol na sagot ko sa phone call.
Bunso!
biglang sigaw niya sa linya.
“Sus,
hanggang ngayon ba iyan parin ang itatawag mo sa akin? FYI, sundalo na ang bunso mo ate.” Pabiro kong
tugon sa kanya.
Sinagot
niya lang ako ng napakalakas na tawa. Whatever!
“Maiba
tayo, bakit hindi mo man lang ako binati huh, magtatampo na talaga ako sayo ate.”
Pag-iba ko sa topic namin. “ and why you’re using your Philippine number? Pwede
pala makatawag?” dagdag ko.
Muli
niya akong tinawanan.
“What’s
so funny huh?”
Sundalo ka na, pero tanga parin..
pabirong wika niya sa akin na may natatawang boses.
“Huh?
You mean….”
Oo! Nasa Pilipinas na ako, malapit na kami
sa bahay kaya kailangan ikaw ang gusto kong sumalubong sa amin ng kuya mo..”
“S-si
kuya? K-kasama mo rin?”
Sirang plaka lang? paulit-ulit? Iyan ba ang
resulta ng training? Hehe, kidding! Oo, kasama ko siya sinundo niya ako sa
airport at balak talga naming surpresahin ka..
“T-talaga!
Thanks sa inyo ate! Kayo talga oh…”
Ops.. Soldiers don’t cry! biro niya sa
akin sabay halakhak.
At
hindi nga nagkabula ang sinabi sa akin ni ate, dahil maya-maya pa’y biglang
umalingawngaw ang busina ng sasakyan sa labas ng gate. Gumuhit ang ngiti sa
aking mga labi at dagling tinumbok ang gate upang ako mismo ang makakasalubong
nila.
“Damn!
Ate, ikaw na ba iyan?!”
“..Surprise!”
biglaang sigaw niya ng tuluyan na siyang makalabas ng kotse sabay angat ng
dalawa niyang kamay na may tuwa sa mukha. Mas lalong gumanda ang ate ko, iyan
lang ang masasabi ko talaga ng makita ko siya at para mas bumata pa kesa sa
akin.
Napataas
ang dalawa kong kilay at napakamot sa ulo, dahil ang totoo ay hindi ko talaga alam
kung ano ang dapat maging reaksyon ko dahil hindi naman kasi tulad ng dati na sobrang
isip bata pa kami na sa tuwing darating siya ay bigla ko siyang kakargahin
tapos magtatawanan.
Bigla
nalang ako niyakap ni ate ng mahigpit at napaluha ito. “I missed you so much
bunso! CONGRATIOLATIONS! Ate is so proud of you! We are so proud of you bunso!”
“Thank
you so much ate, ito ang pinakamasayang gabi sa buhay ko..”
“Weh,
talaga lang huh..” nakuha pa niyang magbiro habang humihikbi. “Oh hindi mo ba
ako bubuhatin tulad ng dati? Tapos sisigaw ka sa akin ng I miss you Ate?”
Napahagikhik
ako at pagkatapos ay biglang binuhat siya at umikot sabay sigaw,”I miss you so
much ate!!!”. At pagkababa ay sabay kaming humagakhak.
“Welcome
back hija!” sambit ni mama na papalapit sa amin na may ngiti sa mukha.
“Mama…”
at niyakap ni ate si mama.
“T-teka nasaan si
kuya?” basag ko.
“Tapos
na ba kayo sa mga kacornyhan niyo diyan?” biglang wika ng utol ko na marahang
lumabas ng sasakyan at natutuwa sa aming dalawa ni ate.
“Kuya!”
nilapitan ko siya, “Selos ka lang, dahil gusto mo rin kargahin ka..” tawang
wika ko sa kanya.
“Yay!
Ang corny mo bro!” sagot niya sa akin sabay tawa. “but well, congratulations
you make me proud Phil, I’m so happy for you ngayong natupad mo na ang pangarap
mo!” bati niya sa akin sabay abot ng kamay niya, corny daw?- natahimik ako at mas lalong humalo ang emosyon sa isip
at puso ko, gusto kong umiyak sa sinabi ni kuya pero pilit ko itong pinigilan.
Napatitig ako sa kamay niya at pagkatapos ay sinalabong rin ito ng pagkamay at
pagkatapos ay nagdikit ang mga braso namin at dibdib sabay yakap at pagtapik sa
likod ko.
“Thanks
bro! I owed you alot… hindi ko rin naman ito mararating kung hindi dahil sa
tulong mo para makapasok ako sa PMA..”
“Sus,we’re
brothers right..” sambit niya sa akin. “By the way bro, Papa wanted me to
congratulate you for him…”
Nang marinig ko ang
sinabi ni kuya habang yakap pa niya ako ay dito ko na hindi napigilan ang
mapaluha. Awkward man, pero hindi naman siguro ibig sabihin na bawal ng tumulo
ang mga umiyak ang sundalo. Sa pagkakataong ito ay abot hanggang langit ang
saya ko ng marinig ko na pinababati ako ni Papa, ayos na sa akin na hindi siya
makakapunta basta’t ang mahalaga ay may iniwang habilin siya sa akin na batiin
ako. Tuwa at luha ang bumalot sa akin sa gabing ito, tanda na napakaligaya ko
ngayon.
Kumalas
na si kuya mula sa aming pagyakapan, “Oh wag ka na umiyak Private Philip…dahil
may gusto pang bumati sa iyo.”
Ano daw, may babati pa sa akin? Pero sino? Takang
wika ng aking isipan, “What do you mean?”
“Sila…ang
tropa mo sa Hacienda..”
Nanlaki
ang mata ko ng makita kong isa-isang iniluwa ng sasakyan sina Vincent,
Radnie…..at Mark? Bulong ko.
“hehe,
budz..” mahinang sambit ni Mark.
“Mga
parekoy!! ah nga na kamo di!?” (Mga pare, bakit kayo nandito?)
“Loko,
te mapuli nalang kami balik ahh..”
Umalingawngaw
ang tawanan naming apat. Bigla kong naalala ang mga kalokohan namin nun dati sa
hacienda. Nagkumustahan kami at bumalik muli ang mga biruan namin sa isa’t isa.
Habang nagaganap ang pagkakataong ito ay tila nakalimutan kong sundalo na pala
ako, para kasing nagbalik ako sa dating panahon. Na walang pang mabigat na
responsibilidad sa bansa.
*********
Nasa
isang table ang mga kaibigan ko. Hindi ko pa sila masasamahan sa inuman dahil
sa pagaasikaso sa mga bisita. Tinitingnan ko na lamang sila at sinisenyasan na kaunting pasensya lang mga pre, mamaya
magpapakalunod tayo sa beer. At sinasagot nalang nila ako sa pamamagitan ng
pag-angat ng bote ng beer sabay thumbs up it means that they’re alright.
Tinext ko nalang din
si Mark,
Budz,
ikw mna bhla s tropa dhl medyo dmi talagang bsita. By the way thank you for
bringing them here.
NP
budz, take your time. Naaliw dn nmn daw sila s mga chix mong bcta, nagrequest
si Radnie n ipaklala mo siya sa bisita na kaharap mo ngayon, type niya. – Reply ni Mark sa akin.
Haha.lol.
o sige bah, mamaya.
O
cge inuman nalng muna kami dito.
Tnx.
Habang
abala ako sa paglilibot sa mga bisita ay napansin ko ang isang babaeng magisa
lang sa table. Hindi ko siya napansin kanina at hindi siya pamilyar sa akin.
Nilapitan
ko ang babae, “Ahm, miss, okay ka lang ba dito..?”
Tumingin
siya sa akin, Dang! Her eyes! Wika ko
sa aking sarili. So alluring, yung tipong sa titig palang ay nakakaarouse na. Mapang-akit sa madaling salita. Hindi ko
alam kung bakit bigla akong kinabahan, kaiba siya, as in kaiba sa lahat ng
nakikilala kong babae dati. Simple lang siyang manamit, simple pero may dating
and yeah she’s HOT! And halleluiah! She’s so beautiful and seductive! Habang
naiisip ko ang mga salitang paglalarawan sa kanya bigla kong napansin na mas
lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko, at sa maniwala kayo’t sa hindi tumayo
ang isang muscle ko na napapagitnaan ng dalawa kong hita. Hindi ko maipaliwanag
kung ano itong nararamdaman ko.
“excuse
me, are you listening?” basag niya sa akin, hindi ko na napansin at nakatulala
na pala ako sa kanya.
“A-ahh…
I-I’m s-sorry, a-ano nga ‘yun ulit..?”
She
sighed, “ I said I’m okay thanks..” maikling pagulit niya, batid kong hindi
lang iyon ang sinabi niya kanina marahil iniklian niya nalang ito.
“Aahh
t-that’s great!.. So…”
“So,
what…”
“So…why
you’re alone here?” dugtong ko. Pansin kong may pagkastrict ang boses niya,
pero kahit boses ay nakakaakit rin.. Oh
Rice! Please stop me! Sigaw ng aking isipan.
“Just
wanted to be alone, well actually I was with my dad awhile ago but since he’s
so busy with his acquaintances here. I got bored joining his circle and so I
preferred to stay alone in this table...so that’s it, so far..I’m perfectly
fine here..”
“Aahh..I
see, you mentioned your dad? What’s his name?” tanong ko.
“Maribeth,
honey…” singit ng isang pamilyar na boses.
“Dad..”
“well,
so you two have already talked?”
Napalingon
ako, “S-sir!” gulat ko.
“Am
I too late to introduce to you my daughter, Private Philip Rey Villarama?”
“D-daughter?”
“So
hindi pa pala kayo nagkakilanlan ng monica hija ko?”
“Dad…I’m
too old for that..” sambit ng babae na tinatawag niyang daddy ang heneral.
“What’s
the problem you’re my one and only daughter..”
Napabuntong
hininga ang babae. “Okay…whatever…”
Habang
napagmamasdan ko sila ay may similarity nga silang mag-ama. Sa oras na ito
ibang heneral ang nasa aking harapan, so caring and sweet sa anak niyang babae.
Hindi katulad sa heneral na aming hinaharap sa field na masyadong istrikto at
mas mabangis pa sa tigre. Ngayon nakikita ko siyang nakangiti habang naguusap
sila ng kanyang anak. Ang totoo hindi ko talaga alam na may anak pala si Heneral
hindi naman kasi niya nababanggit sa amin.
“Philip,
I forgot to introduce to you my daughter kanina na kasama ko siya ngayon sa
thanksgiving mo… Her name is Maribeth.”
“Nice
to meet you Miss Maribeth..I’m Philip Rey Villarama” pagpakilala ko din sa
kanya sabay abot ng kamay.
“Me
too..ahmm by the way congratulations! Dad told me that you’re the
valedictorian.”
“Really
T-thanks..” galak kong tugon sa kanya, nang magdikit ang kamay namin ay mas
lalong uminit ang katawan ko at mas lalong nagalit ang pagkalalaki ko.
Natanggal
lang ang paghawak ko sa kanyang kamay ng biglang naglinins ng lalamunan si
heneral.
“She’s a physician.”
Dugtong ni heneral. “She just arrived yesterday from U.S at sinama ko nalang
siya ngayong gabi dito..”
“R-really
glad to hear that sir! and my pleasure to know your daughter here tonight..”
sagot ko, kaya naman pala hindi ko pa siya nakita eh galing pa pala itong
amerika at halata din na doon na ito lumaki dahil medyo may American accent na
ito.
“So glad you came
here, Doctor Maribeth.”
“My
pleasure Private Philip Rey.”
Damn! Ng marinig ko ang salitang
pleasure ay muling nanginit ang aking katawan. “Too formal, just call me
Philip..” ngiti kong wika.
“Then
call me Maribeth..” wika din niya sa akin. “ahmm, I wonder if you’re okay, you seemed flushing..”
“Ahh..n-no..
I’m well,Yes, I’m well… nakainom kasi ako kaya siguro..” palusot ko. Holy rice! I bet hindi naman niya siguro ako
nahalata. Umurong ako konti at sinadya kong magpaharang sa upuan para
matakpan ang aking harapan. Baka iba pa ang mapansin niya sa pangalawang beses,
lalo pa at kasama namin ngayon si Heneral. Dang!
Wag naman sana.
*********
Kasama
na ako ngayon sa table ng tropa at pati rin si kuya at ate nakisali narin sa
amin. Nakabihis narin ako ng damit at sa pagkakataong ito ay iisipin ko munang
sibilyan ako, kaharap ang bote ng beer at pulutan. Dahil alam ko pagkatapos ng
gabing ito ay may napakalaking responsibiladad na sa akin ang nakaabang.
Halos
kaunti nalang ang bisita ang naiwan sa oras na ito.
“Philip,
apo, magpapalam na sa inyo ang heneral..” tugon ni lolo sa akin.
“S-sir..”
halos sabay kaming tumayo ni Mark.
“Siguro
ay hindi na kami magtatagal..” salubong ni heneral sa amin.
“Sige
po sir, maraming salamat po sa pagpunta niyo po sa gabing ito. Lubos ko po itong
ikinagalak.”
“It’s
our pleasure. And once again, congratulations to both of you bilang isa sa top
ten..”
“Thank
you sir.” sabay kami ni Mark.
“And
you have to enjoy this night because tomorrow is a new beginning..”
“Sir
Yes Sir!” snappy naming sagot kay heneral.
At
biglang lumitaw sa kanyang likuran si Maribeth, muli akong napatitig sa kanya. I like her so much.. bulong ko sa aking
isipan.
“Thank
you..” mahinang wika nito sa akin sabay ngiti.
Bigla
akong siniko ni Mark, Nakikipagkamay sayo
budz wag kang matulala diyan..
Bahagya
akong napahiya ng mapansin ko na makikipagshake hands pala si Maribeth sa akin.
“A-ahh..
thank you din Doc Maribeth..” dagli kong inabot kamay niya.
“Nice
meeting you..” wika niya.
“M-me
too… So (damn!) glad to know you..”
Muli
na naman kaming pinaghiwalay ng mga pilit na ubo. Sa pagkakataong ito ay hindi
na ang heneral kung hindi ang mga kurimaw kong barkada.
“Got
to go.” basag ni Heneral.
“See
you around..” hirit ni Maribeth.
“Y-yes…”
napangiti nalang ako.
“Salamat
sa pagpunta mo dito heneral..” tugon ni lolo kay heneral.
“Anytime
sir…” at nagkamayan silang dalawa.
Nang
tuloyan na silang makaalis, ay binaha ako ng tukso at kutya nila Vincent at ng
mga kapatid ko dahil sa naging reaksyon ko habang kinakausap ni Maribeth na
aminado akong na love at first sight talaga ako sa kanya. Tahimik lang si Mark
pero nakikita ko din na matatawa na ito. Si Mark kasi ay seryong klaseng tao,
tahimik pero maalalahanin. Siniko ko siya, at umiling-iling lamang ito sa akin,
sabay salita sa labi “sila lang hah..”.
At
natapos ang gabi na puno ng halakhakan at biruan. Thanks God!
No comments:
Post a Comment