Wednesday, August 21, 2013

ISR: C09

CHAPTER 9

-Maribeth-

          “Ah-UhMhhmmmm! Whatta day..!!”  sambit ko sabay talon ng patihaya sa kama na binalot ng makapal na kumot na kulay purple at may dalawang malalambot na unan at katerno din ng kulay sa kumot.
Iba talaga pag nakahiga ka na sa sarili mong kama nakakawala ng stress at pagod.
          Napatitig ako sa kisame, at pagkatapos ay marahan kong nilakbay ng tanaw ang bawat sulok ng kwarto hanggang sa nahinto ako sa larawang nakasabit sa wall. It’s only me and my dad in the picture. Karga-karga ako ni daddy sa picture, and as far as I remember anim na taong gulang pa lamang ako diyan sa picture bitbit ang isang manika na sinuotan ng gown na kulay pula at nagkataon din na katerno ng kulay nito ang suot ko. Sabi ni daddy lahat daw ng damit ni Monica ang pangalan ng manika ko ay gawa lahat ni mommy, ito ang pinagkakaabalahan niya nung dala-dala niya pa ako sa sinapupunan niya. Nakaw-pansin din sa picture ang abot-tengang tawa ni daddy, pero kahit sabihin pang Masaya ang mukha niya tingnan sa picture ay mararamdaman mo parin talaga na may lungkot itong dinadala, something part of him was missing. At ang nawalang parte na ‘yun ay si Mommy.
          Tumagilid ako ng higa, at iksaktong bumungad sa aking harapan ang isang maliit na figurine na simabahan.
          Muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Ang mukha ng boyfriend kong halos di na maguhit, at ng mapadasal siya bigla-bigla- 

            Hindi ko matuluy-tuloy ang pag-isip kanina- dahil inuunahan ako ng aking tawa.
          Umalingawngaw ang hagakhak ko sa kwarto ‘yung tawa na parang katapusan na ng mundo.
          “Oh God!” I yelled. “Mabuti nalang at nakalusot kami..” wika ko sa aking sarili pero di parin maalis ang ngiti sa aking mga labi. Nangangawit na nga bibig ko. Lol!

          After few minutes, ay tumayo na ako upang makapagshower pero naiwan parin ang ngiti sa aking mga labi. 
         Hindi pa man ako tuloyang makatayo ay biglang nagring ang celphone ko.
          Daddy? isip ko.
          “Hello dad..”
          Yes honey, how are you doing there?
          “fine dad, why?”
          Ahmm, hindi ako muna ako makakauwi ngayong gabi marami pang aasikasuhin dito. Nandiyan naman si yaya Maring mo at-
          “Okay dad, ayos lang po. Kaya ko naman sarili ko, sanay nako mag-isa dad..”
          Oh honey, I’m very sorry-
          “naku si daddy, anong akala mo sa akin bata pa?...not anymore dad, kaya ayos lang dad kasi trabaho ‘yan at naiintindihan ko. I’ll be fine here.”
          Okay, thanks honey- but kung magkakaproblema just call me ahead okay?
 no problem dad..”
          O sige bye for now baby, daddy loves you so much!
          “I know dad, I love you too! goodbye po.”
          At tumahimik ang paligid ng aking kwarto.
         Kumawala sa aking dibdib ang malalim na buntong hininga at maya pa’y tinungo ko ang banyo para maligo.

          Matapos ang isang oras, ay natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng mini-library namin sa bahay at katabi ng library ay ang opisina ni daddy.
          Naghahanap ako ng libro na babasahin ko sana bago ako matulog- for heaven’s sake! Halos lahat ng libro dito ay natutungkol sa batas, at issues about Philippine crimes and corruption. Kahit medical book nalang sana,  para kahit paano ay maging swak sa interes ko, wala 

Kaya ang ginawa ko nalang ay magtingin-tingin sa loob dahil matagal narin na hindi ko na nalilibot ang bahay, at masasabi ko ngang halos wala paring pinagbago ito.

         Hanggang sa nakapasok ako sa maliit na study-room ni daddy. Makikita mo talaga ang pagkamitikuluso niya, dahil wala kang makikitang nakakalat na mga bagay sa loob lahat talaga are properly organized. wala kang makikitang nakafold o kunot na papel sa table niya o kahit alikabok. Napakalinis.

Umupo ako sa table niya, at tumitig sa framed picture sa ibabaw ng mesa at ito ang wedding picture nila ni mommy.

Maya pa’y hindi pa ako makontento at inukray ko pa talaga ang mga drawers- lahat ay naglalaman ng mga papeles.

Hindi ko alam bakit parang may hinahanap ak pero hindi ko naman alam kung ano.

Napabuntong hininga ako at nagdesisyong pumunta nalang sa sala para manuod ng TV dahil hindi ko rin naman pwedeng tawagan ngayon si Philip baka may ginagawa pa ito, aantayin ko nalang na magtext siya sa akin para masigurado kong hindi ako makakadisturbo.

Tatayo na sana ako mula sa upuan ng bigla kong nasagi ang isang notebook at nahulog ito sa ilalim ng table.

Nagbuntong hininga ako at yumuko sa ilalim ng mesa para abutin ang nahulog na notebook, at napakunot-noo ako ng  may nakita akong isang kahon sa ilalim.

Hindi ko alam bakit parang naintriga ako sa nakatagong kahon na ‘yun.

Dad is not around, ayos lang naman siguro, titingnan ko lang naman.. wika ko sa aking sarili. Hinila ko ang maliit na kahon, binuhat at pinatong sa ibabaw ng mesa. Ano naman kaya ang laman nito..
Marahan kong binuksan ang kahon, at nagtaka ako ng makita ko na naglalaman ito ng mga crumpled papers- may parte na pinunit mula sa newspapers, and... what is this? baraha?

 Gumuhit sa isipan ko ang malaking katanungan kung para saan ang mga lumang papel na ito- at bakit may baraha?- kinuha ko isa-isa ito- Ace heart and spade.

Bakit mga alas lang ang mga ito? Tanong ko muli sa aking isipan.

Nang isa-isa kong tiningnan ang mga papel sa loob, hindi ko maintindihan kung bakit maraming mga guhit sa mapa ng pilipinas may nakasula na "A", "B" at at mga ekis, may mga binilugang mga headlines sa newspaper..Ano naman ang ibig sabihin nito?

Sa aking pag-uusisa ay umagaw pansin sa akin ang isang pangalan, isang napakapamilyar na pangalan- Marites Beth L. Flores.

Mommy!? Taka ko. Binasa ko ang nakafeatured na balita na kung saan nakita ko ang pangalan ni mommy.
Ito yung araw na nangyari ang trahedya. bigla akong kinabahan, at nagulo ang aking isipan.

Pero ano ang kinalaman ng mga baraha-? bakit puro mga alas?

***************

          Gumulantang sa akin ang tunog ng digital alarm clock ko.

“it’s 7:30AM..” marahan akong bumangon, nagstretch ng katawan at humarap sa salamin. Naging routine ko na talaga na paggising sa umaga ay una kong sinasalubong ay ang salamin. Pagkatapos ay nagtungo sa banyo, para umihi at bago ako maligo ay nagtetext muna ako sa lavidabz ko upang batiin ito sa umaga.

Matapos akong makapagbihis ay lumabas na ako ng kwarto at marahang bumaba ng hagdanan.
“Good morning maam!” salubong sa akin ng aming kasambahay.
“goodmorning.. nasaan si yaya Maring?”
“Lumabas po, namalengke..”
“Ahh, ganun ba? Okay..”
“Ma’am, ang ganda niyo pos a suot niyo..”
“ah-w-well ganun ba thanks Mikay..”
“opo..! May lakad po kayo ngayon maam?”
“Oo Mikay, bibisitahin ko si daddy sa camp..” sagot ko. teka si daddy ba talaga ang bibisitahin ko? Bulong ng aking isipan at biglang napangiti.
Umupo na ako sa mesa. Nagkape at sandwich.
Habang tahimik akong nagkakape, ay muling bumalik sa isipan ko ang mga laman ng kahon at muling nabubuo ang mga katanungan sa aking utak.

Simula na naging kami ni Philip ay naging paboritong lugar ko na ang camp Aguinaldo lalo na ang cathedral na kung saan nabuo ang aming pag-iibigan.

“Dito mo nalang ihinto ang sasakyan.” Utos ko sa aming driver.
“Y’yes maam..”

Marahan akong lumabas ng sasakyan, kahit mejo malayo pa General headquarter. Ewan ko, parang gusto ko munang maglakad-lakad at magtingin-tingin sa paligid.

Tahimik ang paligid, at maaliwalas.

Habang naglalakad ako ay tila parang may napansin akong kalaskas sa likod ng malaking puno.

Nakaramdam ako ng kaba, kasi tahimik ang paligid at nakaalis na ang sasakyan.

Marahan kong tinungo ang isa mga puno kung saan malapit ang ingay. Bahagya akong nagtago para hindi agad mapansin na kung sino mang tao ang naroroon.

Nagulat ako dahil isang sundalo pala ang naroroon.

Pero ano iyang ginagawa niya. Bakit parang di mapakali, and What?? Is he insane? Anong pinaggagawa niya sa labi niya- kulang nalang ay kiskis niya ito sa liha. Kahit mejo malayo ako nakikita ko ang namumulang labi niya na halos dumugo na sa madiing pagpupunas nito gamit ang maliit na towel. 

Parang balisa at bumubulong sa sarili.. baliw ba ito?

Hindi na siguro ako dapat dito magtagal at kailangan ko ng umalis.

Tinawagan ko an gaming driver at pinababalik ko siya dahil natakot ako bigla.

Ilang minute pa ay dumating na ang sasakyan.

“Oh maam, kala kop o maglakad-lakad muna kayo?”

“ahh-tinamad ako.. sige na diretso na tayo sa opisina ni daddy..”

“yes maam.”

At tahimik lang ako. Iniisip ang isang sundalo kanina. Nagtataka.

Magtatanghali na pero wala parin si daddy sa opisina niya, pero tumawag naman siya sa akin na may mahalagang bagay lang siyang inaasikaso.

Kung kaya’t tinext ko nalang si Philip na sabay na kami maglunch.

At upang hindi halata ay sinabay niya si Mark sa pagsundo sa akin.

Habang tinatahak namin ang daan.

“Oh pare, ano nangyari sa labi mo…” wika ng isang boses mula sa naglalakad na grupo ng makasalubong nila ang isa pang sundalo.

 Tahimik lang ito.

At bigla kong napansin si Philip na parang matatawa.

Nagtaka ako.

“Bakit kayo natatawa diyan?”

“aahh- wa-wala to beb..”

Muli kong narinig ang tawa ng grupo. “Pareng Zalde- iba din pala ang kamandag ng halik mo ahh..”.

Nagtaka ako. T-teka parang pamilyar sa akin ang lalaking iyan huh..

Napansin kong biglang nagwalk-out ang kasamahan nila.

Mas pansin ngayon ang ngiti ng dalawa, si Mark at beb. At pagkatapos ay biglang naglinis ng lalamuna ang dalawa.

Kaya pala dahil, napadaan ang lalaki kanina na- w-wait a minute- kung hindi ako nagkakamali siya yung sundalong nakita ko kanina sa likod ng puno… napagtanto ko ng makita ko ang mukha nito ng mapadaan ito sa amin, nagmamadali.

Naguluhan ako bakit natawa ang dalawa, eh para sa akin ay nakakaawa nga dahil kung susuriin parang ang laki ng problema nito.

Lalo pa’t kapansi-pansi ang dry at nagkasugat-sugat nitong mga labi.

“May problema ba ang taong ‘yun?”

Hindi sumagot ang dalawa, bagkus ay natawa pa ito.

“a-ano ang pangalan niya?” tanong ko sa dalawa.

“ahh- siya ba tinutukoy mo bebko?”

“Oo..”

“James..”

“James?” pagklaro ko.

“Yes…James”

 *********************
Aha!

Philip: "what is happening to James?"
Vincent&Radnie: "Hala....kasalanan niyong dalawa kasi.." (sisi ng dalawa)
Mark: "Huh? eh para yun lang nagkakaganun na siya? OA huh!"
Philip: "Naman!"
Mark: "at tiyaka di namin kasalanan yan... si author ang may pakana niyan..tama gij?"
Gij: "Oh-oh.. at bakit naman ako?"
Philip: "Malamang, kasi pakana mo yan eh.."
Vincent: "Nakakagutom ang storya niyo...!"
Radnie: "Uu nga..."
(someone's knocking the door)
Mark: "Who's that?!"
(continuously knocking)
Vincent&Radnie: "Oh my.. baka killer yan!" (yakapan sa sulok takot)
Philip: "Mga duwag talaga kayo! okay buksan ko nalang.."
"Surpriseeeeee!!!!!"
M,V,R&P: "MARIBETH!"
mARIBETH: "yes it's me! and i brought you some cookies!"
Vincent&Radnie: "Oh yeah!!!! thanks Maribeth!" (sabay kuha sa sisidlan ng cookies)
Gij: (Palm-face)- okay, oh siya habang busy ang mga kurimao sa pagkain- magpapasalamat muna ako sa inyo guys sa patuloy niyong pagbasa ISR! 

tnx bez sa comments:)

ISR:C08

Chapter 8

-Philip-

Dang! What the-F are we gonna do now?! Kabang wika ko sa aking sarili. Hindi ako kinabahan dahil kay General, natatakot ako baka malaman niya sa amin ni Maribeth na may namamagitan sa amin at baka ilayo niya sa akin si lavidabz ko, swear pag nangyari yun, magkakaroon talaga ng world war 3! Aba tapang ko huh! At nakuha ko pa talagang magtapang-tapangan sa sarili kahit punong-puno na ng pawis ang ilong at noo ko.
Nakatingin ako sa likod ni Mark, at nakikita kong pati siya ay nadadamay sa anxietyng nararamdaman ko ngayon.
“No!” biglaang sigaw ni Maribeth.
Dang! You heard that? Kahit si Maribeth ay napapasigaw sa harap mismo ng House-speaker dahil sa taas ng anxiety niya ngayon. Mas lalo akong na anxious. Nararamdaman ko sa boses ni Maribeth ang kaba habang nagpapaliwanag kay general..
 Papalapit ng papalapit ang mga apak nila sa altar na kung saan kami ay nagtatago ni Mark.
Napatingin ako sa imahe ni Mama Mary at napadasal ng agad-agad! Oh Maria, ilayo mo po kami sa kapahamakan..please! please!

“Oh the holy image of Mama Mary…” paghanga ng isang boses.
Napakaganda nga naman ng paglilok sa imahe ni Mama Mary na nasa harap ng altar- isip ko.
W-wait….!!. napatigil ako sa aking pag-iisip. Napatitig ako sa sahig kung saan kami ni Mark, unti-unti kong sinusundan ng tingin ang sahig patungo sa rebolto ni- Mama mia!!!! Eh kaharap lang namin pala ang istatwa!
Oh my-! No epek ang dasal ko, bagkus ay lalo pang lumala ang sitwasyon naming ngayon. Oh God have mercy on us!
Mabilis akong nag-isip ng paraan, iniscan ko ang mga nakatagong mga estratehya ko….BRUNO MARS!! wala akong maisip! Nagpalingun-lingon ako na baka may mahanap kaming ibang mapagtataguang lungga……  CHECK MATE! We are totally done! Wala akong makitang butas...as in wala!… hindi rin naman pwedeng magkunwaring istatwa kami ni Mark eh hindi naman kami mukhang santo- kung pwede lang maglaho! naku!
pray!
Pray!
Pray!..... 
Pray?! Napaisip ako- Aha! Biglang litaw ng imaginary bulb sa ulo ko. Sana gumana- I really hope na gumana ang naisip ko.

 Nakakataranta ang tunog ng kanilang mga apak na papalapit sa aming pinagtataguan. No choice…. Napatingin ako sa nakasabit na larawan ni Mary of Perpetual Help.

Tumayo ako bigla, at mabilis na tinungo ang larawan na ‘yun na nakasabit sa dingding ng kaliwang bahagi ng altar.. halos mapatalon, sabay luhod at nagkukunwaring hindi ko sila napansin dahil kunwari nagdadasal ako.

“2LT Villarama!?” tawag sa akin ni General.

“Oh! Aba Ginoong Maria, Napupuno ka ng grasiya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo….bukod kang pinagpala sa babaeng lahat…..”
 Pagdadasal ko, na sinadyang lakasan ang boses. Naririnig kong nag-eecho ang boses ko sa loob ng simbahan. Papikit-pikit pa ako ng aking mata habang binabanggit ang dasal na Hail Mary. Oh Mary! patawarin mo ako at ginamit pa kita, I have no choice, hirit kong dasal sa aking isipan.
Napansin kong tahimik ng paligid.
Unti-unti kong binubuka ang kanang mata ko upang sulyapan sila.
Awkward!  
Nganga ang lahat na nakatingin sa akin.
Si General, nakakunot ang noo.
Si Kapitan astig na naka pamewang.
Si House representative, may malaking question mark sa mukha.
Si bebkoh? ayun tila matatawa na naaawa sa akin.
At si Mark?, wika niya sa labi- What are you doing?!

“-heeh... G-general…” sambit ko na parang naiihing tuta.
Hala…patay! Di sumagot, mali..dapat snappy pala..
“GENERAL!!” Bigla kong sigaw, sabay tayo at nagsalute sa kanya.
Napaigting ang lahat sa gulat.
Gumanti ng pagsalute sa akin si general- marahan, at parang tulala.
Nakita kong nagpalingun-lingon ng ulo si Kapitan.
Awkward moment parin,- tahimik as in super tahimik- parang gusto kong matunaw sa hiya!
Hehk!...Hehk..! (tunog ng sinok ko) Dang! Nakakahiya... Pinilit kong ihinto ang pagsinok. Lumunok ako ng laway- Hehk!- ohlala! Hindi parin nawala.
Halos, lalabas na ang ugat ni Mark sa noo sa pagpipigil ng kanyang tawa.

“What the fu-“ napahinto si kapitan ng napagtanto niyang nasa loob pala siya ng simbahan.
“-are you doing here Villarama?” tigas na pagpatuloy niya.
“Nagdadasal sir!!” abah consistent parin ako sa snappy kong pagsagot. Pero sa sinabi kong ‘yon ay lalo pang nagpatulala sa kanila at lalong nabuo ang napakalaking ? sa kanilang mga mukha.
“W-what?! Are you sick?”
“Yes, sir!!”
“Huh?! You are…?”
“I-I mean no sir!” –eh mahihimatay na nga ako! Pagpatuloy ko sa aking isipan.
“Kanina ka pa dito?” tanong sa akin ni General.
Hirap akong makasagot.
 “N-Nandito ka pala secong lieutenant! bakit di kita napansin kanina dito.. w-well k-kung sa bagay kakarating ko lang naman..diba?” wika ni Maribeth sabay kindat.
Oh thanks, mylavidabz…
“Huh? Ahh.. o-oo…t-tama maam, nakaluhod kasi kami kanina sa harap ng altar at natakpan ng misa kaya siguro di mo din kami napansin…”
“what did you say, kami ba ang narinig ko? So may kasama ka?” usisa ni general.
Dang! Nadamay ko si budz.
Marahang tumayo si Mark at bumati, “H-hi!”
“Dizon?!” tawag ni kapitan kay budz.
“Sir!” nagsalute si Mark.
“At dalawa talaga kayong nagdasal?”
“Y-yes sir!”

Binasag kami ng tatlong sunud-sunod na palakpak. “Magaling!” hanga sa amin ni Rep. Rodriguez.
Magaling daw? Dapat ba akong matuwa kahit halos matutunaw na ako sa hiya.
 “kayo ba yung dalawang nakasama sa Basilan?
“Y-Yes sir!” sabay kami ni Mark.
Lumabas ang ngiti ng house-speaker, “General Flores, pinahanga mo ako sa mga alaga mo. Bukod sa matapat at matapang na nagsisilbi sa bayan, ay matapat ding nagsisilbi at pumapalantaya sa Panginoon..” kinamayan niya si General Flores.
“ah-ah yes that’s right…” sang-ayon din si General.
Aba! Lucky in disguise.. Oh Mary!
Isa-isa kaming nilapitan ni house representative upang kamayan.
Hindi pa pala katapusan ng munddo.. dahil nakatakas kami sa bangungot!  
Binuga ko ang naipong hangin sa dibdib ko sa bibig. Oh yeah! We’re safe!

          Lumipas ang mahigit walong minuto-
          Papalabas kami ng simabahan, napansin kong nagpahuli si kapitan sa paglalakad at sinabayan kami.
          “Sir..” ngiti ko pang tawag kay kapitan habang sabay kami sa kanyang naglalakad palabas.
          “kayong dalawa, sa office mamaya....” kagimbal-gimbal na bulong niya sa amin pagkatapos ay mabilis na naunang maglakad sa amin at iniwan kami.
          Napatigil kami ni Mark, at nagpako ang tingin naming dalawa.
          “MAMA MIA!” mahinang wika namin sa isa’t isa. Na akala namin ay makakatakas na kami sa lupit ni kapitan.
***************

Mula sa simbahan ay dumiritso na kami sa general’s office kasama din ang iba naming kasamahan sa last operation, at isa na dito si sarhento Lamparas na may sling pa sa kamay at semento sa paa. Napag-usapan namin ang tagumpay na nangyari sa paghuli ng mga heads ng terorista. Hinatid din ng house speaker ang mensahe ng pangulo ng Pilipinas sa amin na siya namang ikinagalak naming lahat.
Batid namin ni Mark ang paging proud sa sarili. Nabigyan kami ng papuri.

Oras ang nakalipas ng matapos ang pagpupulong.

Ngiti kaming bumalik sa headquarter ni budz.
Dang! Si kapitan nakaabang.
“Sir!!” nagsalute kami ni Mark.
Gumanti din sa amin si kapitan.
“Give 200 push-ups in 4 minutes.” Deretsahang tugon ni kapitan na walang pag-aalinlangan.
Ohlala! Expect what is to be expected!
“Sir yes sir!” alive pa naming tugon ni budz.
“1-2-3-4-5……………” sabay naming bilang habang piniperform ang parusang ibinigay sa amin ni kapitan.
Dapat naming bilisan. Dapat makagawa kami ng fifty push-ups in one minute.
And great! Nagawa naman namin in 3 minutes ang 50 seconds.
“magaling 2LT Villarama and 2LT Dizon. Napahanga niyo ako sa pinakita niyong abilidad bilang mga baguhan at naging isa kayo sa matagumpay na operasyon sa Basilan.”
What? Ganun? Pinagpush-up kami tapos babatiin at sasabihang magaling?! Maypagkabipolar din naman itong si kapitan ano.

Thank you sir!” sabay pa kami ni budz. Nagsulyapan kami saglit sa isa’t isa.
Pagkatapos ay kinamayan kami ni kapitan. “ang push-ups na ‘yun ay parusa dahil instead na nandon kayo sa squad kanina para sa  pagpupulong sa gaganaping paghahanda sa mangyayaring ASEAN Summit meeting sa susunod na dalawang buwan na magaganap sa Cebu sa taong ito- ay nandoon kayo sa katedral para- magdasal?”.
Hindi kami umimik ni budz.
“Ngayong darating na sabado ay maghahanda ang lahat para sa gagawing security plans and area designation…naintindihan?!”
“Yes sir!”
What a day! 


Gabi na sa oras na ito.
Nag-eecho ang mga boses na bumabalot sa loob ng banyo. Lima kaming una sa banyo.
Patapos na kami ni budz sa pagligo pati narin ang iba naming nakasabayan, ng biglang umalingawngaw ang tawa ng isa pang grupo na papasok palang sa banyo.
Speaking of the devils… nabwibwisit kong wika sa sarili. Dahil hindi ako maaring magkamali kung kaninong mga tawa ang kumawala kanina.
“aba…at sa shower na pala naliligo ang serena…?” pangbibwesit na naman ni James na sinabayan na naman ng tawa ng kanyang mga kasamahan. “at sabay pa ang dalawang may kaliskis.?!”
“How sweet!!!” dugtong ni Zalde. Tapos nagtawanan uli ang grupo.
Kinuha ko na ang towel, napabuntong hininga.
“Relax lang budz….wag mo ng patulan..” mahinang bulong ni Mark sa akin habang nagpupunas.
Marahang naghubad ng mga suot ang mga grupo nila James at Zalde.
“Opps! Pare..ingat baka may maninilip sa atin dito…” hirit uli ni James.
Ahhrgg! Sasabog na talaga ako! Putang nilalang demonyong ‘to!!!! at fucking shit niya dahil hindi kami magkakainteres sa katawan niyang walang panama sa katawan namin ni Mark. Isa ka nalang! Isang hirit nalang talga bwesit!…

“Oh…alam kong nagpipigil ka na diyan..” wika sa akin ni Mark, dahil nakita niyang halos mapunit na ang towel sa higpit ng paghawak ko nito.
          “okay budz..” sunod ko. Mabuti nalang kasama ko si Mark na siyang laging nagpapakalma sa akin.
          Nakita kong ngumiti si Mark.
          Aba parang iba ata ang ngiti ni budz huh.
          “Ako ang bahala…” hirit pa niya sabay kindat.
          Lol. Oh yeah I like that kind of gesture budz….something mysterious…so evil..
          Patapos na kami at ready na para lumabas ng banyo.
          Sila James, Zalde at iba pa niyang mga kasamahan ay naghuhubad pa.
          Ang iba sa kanila nakahubad lahat, (censored). Si Zalde at James ay nakabrief pa. nagtatawanan parin.
          May nahahalata ako kay budz na parang may hinihintay siyang pagkakataon, at iyon ay pala-isipan pa sa akin kung ano ba talaga ang binabalak niya. Sigurado akong maitim ang balak na ito, dahil kilala ko si Mark, minsan lang gumaganti pero pag nakabawi naman it must be worst or better to say unforgettable.
          Nang palakad na ang dalawang bwisit, ay biglang nagsabi sa akin si budz- “tara..”.
       
   Nag-uunahan ang grupo nila James at ganun din ang dalawa sa shower. At halatang sinadya ni Mark na makasalubong namin ng lakad ang dalawang bwisit.
Naiwan si Zalde at nauna na si James sa kanya.
“fucking perfect…” bulong ni Mark.
“perfect what…?” takang tanong ko.
“just watch and learn….”
Napailing ako, “okay…go ahead..”
Dahil naiwan si Zalde, nagmamadali itong makahabol.

Ngayon tuloyan ng nagcross ang daan namin ni James… Asshole! Nag F.Y finger pa ang bwesit sa amin. bwesit talaga! ang sarap pakainin ng granada!

Humabol si Zalde ng mahinang takbo.

At ang sumunod….

“James!!!!” 
Biglang tawag ni Mark at marahan din itong napalingon sa amin, at pagkatapos ay tusong hinarangan niya ang dinadaanan ni Zalde kanyang kanyang paa sanhi upang matumba si Zalde at humandusay sa harap ni James.

Boom!!!! Good job!

Dahil hindi agad napansin ni James, at dahil biglaan ang nangyari nasalo niya si Zalde, nayakap at-

Oh meyn!!! di sadyang nagdikit ang kanilang mga labi.

Everyone is laughing at them.
Tinadtad ng kutya ang dalawa at tukso…
          Lol! Nice one budz! Ohhh!! A Bittersweet revenge!
Napatahimik ang dalawa, at agad itinulak ni James si Zalde palayo.
Marahang lumapit si Mark sa kanila- “Oh how sweet….tsup! tsup! lovebirds!”
Kita sa mukha ni James at Zalde ang hiya, dahil parang sinampal ng daang beses ang mukha sa pula. Umalma si James  dahil sa sobrang pagkapikon at akmang susugod..

Pero pag siniswerte nga naman, tamang-tama ang pasok ni Kapitan, “What the fuck is that noise soldiers?!”

“Nothing sir!” sagot ko. “Budz! Let’s go…kailangan ng privacy dalawa, este! ng mga tweety-birds…”
Tumayo si Mark at sumunod sa akin ng nakangiti. Evil smile!

Nang nasa likod na kami ni kapitan ay gumanti kami ng F.Y finger sa dalawa.
“Sweetdreams, lovebirds!” bati pa namin sa kanila, at agad lumabas ng banyo.

Boom! hahaha! Good for them!


*************************
AHA!

Philip: Oh yeah!!!!!! Boom! (LOL)
Mark: ….nice one! I love it bro! hahaha
Vincent: hahahah! May mamumuong love team ata sa kampo huh…
Radnie: Eeeeewwwwww!!!!! Yay!
Gij: Hahahahaha! I don’t think James and Zalde deserved it….sorry!
Philip&Mark: OF COURSE YES!
Gij: Alright! Alright! Whatever…. Well so much for that- say hello to our beloved readers guys!
P,M,V,&R: Hello mga lavidabz!!!! (waving hands)
Gij: (Palm-face) okay…okay…. By the way thank you guys sa mahabang paghihintay- I hope you enjoyed this chapter. I dedicated this chapter to my bestfriend! hehehe :)