Sunday, June 23, 2013

ISR: Chapter 04

Chapter 04

         
          Maaga akong nagising upang maghanda. Hindi maghanda para sa digmaan kung hindi dahil ngayon ang araw na sasamahan ko ang anak ni heneral para ipasyal sa buong kampo, si Maribeth.
“Parang alive na alive ka ngayon huh, alas kwatro pa ng madaling araw?” tanong niya habang nagmumuta sa kanyang mata habang tinutumbok ang kabilang banyo para umihi, tanaw namin ang isa’t isa dahil hanggang balikat lang naman ang division ng nakalinyang paliguan.
Kahit malamig ay hubo’t hubad akong naligo.
Napansin ni Mark ang napaka-alive kong aura sa bagong sibol na umaga, ahmm malamang dahil sumisipol pa ako habang nagshoshower.
“Oh budz aga mo rin nagising huh!”
“ulol.. sinong hindi magigising diyan sa sintunadong pagsisipol mo… naiihi tuloy ako.”
“ Dang! So kasalanan ko pa…”
Umiling lang si Mark sa akin.
“ Budz, magkikita kami ngayon…makakasama pa buong araw.. dang so excited bro!”
“ haha. Himala ngayon lang kita nakitang ganyan kasabik sa isang bagong kakilalang babae..dati halos mga babae pa ang manabik sayo habang ikaw ay balewala lang ang mga pagpapacute nila…”
“Hindi ko nga alam budz eh, basta kaiba siya sa lahat.. sa palagay ko siya na ang hinahanap ko.. hindi ko mapigilan ang utak ko na hindi siya isipin araw-araw…’yung mga mata niya, mga labi at ngiti at yung muling mahawakan ang palad niya na mas malambot pa sa bula ng sabon na ito..”
“oo na… oo na…. baka hindi pa matuloy ang pagpasyal mo sa kanya ngayon dahil baka natipilok na yun…” pagputol niya sa excitement ko habang marahan na tumalikod.
“ loko ‘to oh…”
Tinawanan lang ako, “totoo ‘yan..” tusong sambit niya na natatawa.
“KJ!!!”
Napahinto siya sa paglakad. “Ano yun budz kj ako?”
“haha. Uu KJ ka!”
Muling humarap si Mark, at marahang tinungo ang banyo kung nasaan ako.
“Ano yun budz? Pakiulit..” mahinang wika niya sa na nasa harapan na siya sa akin.
“K-J” riing ulit ko sa salita.
“ahh ganun… nakita mo to?” pinakita niya ang gitnang daliri niya palapit sa mukha ko. “ito ang tutuong KJ..”
“put- Araaaaaayyyyy!!!!” napasigaw ako sa sakit nang bigla nalang niyang pinitik ng daliri niya ang pag-aari ko.
“B-budz ang s-sama m-mo… l-lagot ka sa akin maya…” ang tanging nawika ko lang habang hawak-hawak ang nagagalit kong muscle sa ibaba. Marahang tumakbo palayo si Mark na pinipigilan ang tawa na hindi mapalakas na parang maiihi na ito.
“K-kainis ka!!”
“haha…” at ang malupit kong kaibigan ay nakuha pa akong tawanan. “Malibog ka kasi..kaya iyan…hahhaa”

Malibog, naiwan ang salitang ito sa aking isipan. Mukhang napansin ata ni buddy na habang kinukwento ko sa kanya ang nararamdaman ko kay Maribeth ay unti-unti ring nabubuhay ang pagkalalaki ko.
Loko ka talaga budz, ang sakit.. wika ko habang marahang hinihimas ang namumulang si birdie ko na ngayo’y nanghihina dahil sa ginawa niyang kalupitan dito.

**************

          “So… dito pala..” sambit ni Maribeth.
          “Ang alin doc..?” pagklaro ko.
          “ang training camp niyo, sa mga gulong at makakapal na net na iyan..”
          “ahh..iyan bah yes doc, kasali ang mgaa bagay na iyan para sa daily morning work-out namin..”
          “ahh.. I see.” Wika niya sa akin na parang wala akong nakitang konting emosyon ng interes, tanging pagtango lang nito sa ulo. “so.. where else? Saan pa ang magandang site sa camp?”
          “Ikaw.” Tulalang wika ko.
          “w-what did you say?”
          “ahh- I-I mean… ikaw saang gusto mo pumunta doc..”
          “I don’t know, that’s why nagpasama nga ako para may mag-guide sa akin diba..” sarkastikong wika niya sa akin.
          “ y-yeah… of course…sa-sabi ko nga.. dito tayo doc ..” nautal ako. Tama nga naman. Damn, magpakitang gilas ka Philip… baka mabored siya sayo. Ginigising ko ang aking isipan dahil hindi ko talaga mapigilang mapatulala sa kanya, masyado na ata akong halata baka mailang pa siya sa akin pag nalaman niya ito. Banggit ko sa aking utak.
          “Where?”
          “Yes doc dito tayo….”

          Hangad ko sana’y napasaya ko si Maribeth sa lampas kalahating araw na aming pagliwaliw sa AFP camp Aguinaldo. Pinakita ko sa kanya kung paano magtraining ang mga kasamahan kong sundalo, pinuntahan namin ang St. Ignatius Church, the AFP Theater, the AFP Grandstand, and the AFP Canopy. Nakita ko naman sa mga ngiti niya na natutuwa siya habang pinapaliwanag ko sa kanya kung ano ang mga bagay-bagay sa loob ng camp. Nalaman ko rin kung paano hulihin ang interes niya, ang patawanin at marinig kung paano siya tumawa mula sa mga napakacorning mga jokes ko na nakuha ko rin sa aking mga kasamahan at dati rin sa hacienda. Naikwento ko rin sa kanya ang mga naging buhay ko bago ako naging sundalo at ganun rin siya, naikwento niya sa akin ang naging buhay niya sa amerika at ang plano niyang magtayo ng sariling klinika dito sa Quezon.
Habang tumatakbo ang oras ay palalim rin ang aming pagkikilanlan sa isa’t isa. Kasabay nito ang lalong lumalalim na pagtingin ko sa kanya.
         
“Thank you so much Philip se pagseyma mo seykin today… I really enjoyed the views leylo na seyo..I definitely had fun with you…”
“It’s okay doc, really my pleasure na masamahan ka…”
“I told you… just call me by my name… Maribeth or better Beth for short.”
“hehe. Thanks M-Maribeth.”

Naging mahaba-haba rin ang aming naging kwentuhan bago dumating ang sundo niya sa pag-uwi.
“Bye Philip. Hope to see you next time…”
“Me too Do- I mean Maribeth..”
“Ahhmm here’s my call card. Thanks once again soldier.” Muli siyang nakipagkamay sa akin at marahan ko rin namang sinagot ito. Dang! At nagspark ang aking kapaligiran…
“ahemmm..” paglilinis niya sa kanyang lalamunan.
Uminit ang pisngi ko, dahil hindi ko uli namalayan na napatulala na naman ako sa kanya habang hawak-hawak ang kamay niya.
“S-sorry..” pagpapaumanhin ko habang marahan na hiniwilay ko ang palad ko sa kamay niya.

“It’s okay.. goodbye! J” nagpaalam siya sa akin na may ngiti sa labi.

ISR: Chapter 05

Chapter 05

          Bago dumating ang araw ng deployment namin patungong Basilan para sa isang info. Operation, tatlong araw simula ngayon ay naging madalas ang pagkikita namin ni Maribeth. Mas lalong gumaan ang loob namin sa isa’t isa. Minsan bago siya aalis mula sa office ni general ang daddy niya ay may oras talagang nag-uusap muna kami kahit kalahating oras man lang.
          Hanggang sa dumating sa puntong nais ko ng aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman at sabihin sa kanya kung maari ko ba siyang ligawan pero natatakot ako baka hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin, hinahadlangan ako ng pangamba na baka pagkatapos na malaman niya ay lalayuan niya ako at iniiwasan ko rin na baka malaman ni Gen. Flores at ilalayo niya sa akin si Maribeth. Darating rin ako diyanAfter the Basilan operation, wika ko sa aking sarili. Oo, pagmakabalik na kami ay aaminin ko sa kanya ang lahat. Ang lahat nanararamdaman ko para sa kanya na walang mintis, swak na swak at may paghahanda.

************

April 03.11; Time: 1020 hours; Basilan

          Dumating na rin ang araw na aming hinintay. I was assigned to be the second in command officer to my co-private soldiers. Nakasakay kami sa likod ng 6x6 military truck; tahimik ang lahat ng mga kasamahan ko habang tinutungo namin ang base sa Basilan.
          Napatingin ako kay Mark na tahimik rin sa kanyang kinauupuan habang bitbit niya sa kanyang likuran ang radio system. Siya ang naatasang maging signal officer sa field dahil magaling siya sa military mapping and very intelligent pagdating sa mga routes and location measurements that’s why a week prior the operation he undergone advance training first para dito. Nilibot ko rin ng tingin ang iba kong mga kasamahan, ang iba ay halatang kinakabahan at ang iba naman ay pinipilit pakalmahin ang mga sarili, normal lang para sa mga baguhan, lahat naman siguro kami ay pataas ng pataas ang level ng anxiety sa mga oras na ito.
          Upang mapakalma ang aking sarili ay inisip ko nalang mga araw na nagkasama kami ni Maribeth at ang mga sinabi niya sa akin bago sumapit ang araw na ito.
          “P-pasensya na Maribeth medyo natagalan ang break namin, kasi medyo madugong paghahanda talaga ang aming ginagawa ngayon para sa operation namin bukas sa Basilan.” Paliwanag ko.
          “I-it’s okay Phil, so tuloy na talaga kayo bukas..”
          “Definitely.”
          “Hindi ka kaya mapahamak doon? Parang dilikado kasi..”
          “Danger is the nature of my work. A matter of life and death….”
          “Ahmm, yeah, I know right. Hindi ka ba pwedeng umatras..?”
          “hehe. Uie! Concern siya..” birong wika ko pa sa kanya.
          “Whatever!”
          “ito naman, just a joke. Wala sa bukabularyo ko ang umatras and it’s our big chance na patunayan ang mga skills na natunan namin.”
          “Well, kung sa bagay. You are trained for that kind of job.”
          “hehe. Yes.” Ngiting sagot ko. “ahmm, don’t worry I’ll survive and return uninjured and alive.” (just for you Maribeth) pagpatuloy na wika ko sa aking puso at isipan  na may sinseridad.
          “You should Phil, you should come back.”
          Habang naiisip ko ang huling katagang ‘yun mula sa kanya mismo ay hindi ko mapigilang mapangiti at yeah, sabihin nalang nating kinilig ako, and who cares kung ganun ang naramdaman ko, kahit sundalo kinikilig din naman.
          Naalis lamang ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig ko si sarhento na mahinang kinanta ang AFP hymn ang Ako’y Kawal Pilipino;
Ako’y kawal Pilipino;
Maka-Dios at maka-tao;
Marangal at may katwiran;
May damdamin at prinsipyo;
Buong Luzon at Visayas;
Mindanao ang teritoryo;
Iingatan at mamahalin;
Kapalit man ay buhay ko;

          Nagsimula sa mahinang boses ang pagkanta niya sa unang stanza ng kanta, alam kong pinapalakas ni sarhento ang mga loob namin upang madivert ang aming mga kaba sa mga oras na ito.
Pumako ang mga tingin namin sa kanya. Napahinto siya sa pagkanta pero bigla naman itong dinugtungan ng isa pa naming kasama;
Ako'y kawal Pilipino;
Bantay ng ating Bayan;
Ilog, dagat, himpapawid;
Lupa, Bundok kagubatan;
          Ngayon ay dalawa na sila ni sarhento na kumakanta, hanggang sa isa-isa namin silang sinabayan. Napuno ang mga mukha naming lahat ng ngiti at bahagyang nawala nga ang aming mga pangamba sa pagkakataon na ito;

Kung mayroon mang magbabanta;
Kalahi man o dayuhan;
Kahit ako'y maging bangkay;
Babangon at hahadlangan
          Inakbayan ko si Mark habang ngiting kumakanta rin kahit sintunado ay ramdam namin ang kanta, kung ano kami bilang mga kawal Pilipino.
Army, Air-force at ang Navy;
Bantay bayan araw gabi;
Sa lupa man o himpapawid;
Karagatan handa kam-

                Naputol lang ang aming pagkanta ng biglang gumulantang sa aming paglalakbay ang isang napakalakas na pagsabog.
Usok,
Apoy,
At dugo
Ang nakita ko sa paligid matapos ang pagsabog.
“Budz! Yuko!” sigaw ni Mark sa akin habang bigla niya akong hinila at sumunod uli ang pangalawang pagsabog.
Nahimasmasan ako. We are under attack.
Muling umalingawngaw sa tahimik na daan na pinalilibutan ng mga puno at mula roon sa tagong sulok ng gubat ay nagsisilabasan ang mga bala.
Sunod-sunod ang mga putok ng mga armalayt.
“Calling black hawk 2-3! We need back-up…back-up…over.. We are under attack…over.” rinig ko si Mark na humihingi ng reinforcement mula sa head quarter gamit ang code name.
“Matanglangit! What the hell are you doing! Cover your ass up!” sigaw ko ng makita kong tumayo ito bigla at galit na pinuputukan ang mga nangambush sa amin.
Nasaan si sarhento?.
“Sarhento!” sigaw ni Rolan Santos ng makita niya si sarhento na naipit sa natumbang sasakyan at sugatan ang balikat.
“Budz, Kumusta ang reinforcement…”
“Damn fucking not yet!” he cursed. “Black hawk.. this is 18th Eagle, we need back up…back-up…over..” pagpatuloy niya sa pagcontact.
“Fuck them up!” sigaw ko habang ginagantihan ng putok ang mga kalaban.
          Muli kong tiningnan si sarhento, na pilit pinagbabaril ang mga kalaban sa malayo.
          “Cover me!  kailangan nating maalis si sarhento…”
          “Assist me..” tugon ko kay Eric.
          Tumango si Eric sa akin.
          Humanap kami ng tamang tyempo para mapuntahan si Sarhento. Saglit na nahinto ang kabila sa pagpapaputok ay agad kong hinugot ang pin ng granada at inihagis sa kanilang kinaroroonan, pagkatapos ay sunod-sunod na pinuputukan ni Eric at ng iba pa ang mga kalaban upang mahirapan sila na makabawi sa amin at ng sa ganun ay makapunta kami  agad ni Eric sa kinaroroonan ni sarhento.
          Hindi namin inasahan na ganito ang mangyayari kahit hindi pa talaga nagsisimula ang tunay naming misyon dahil dapat ay pupunta pa kami sa kampo para isagawa ang final designation of our individual task sa actual field na talaga.
Sa oras na ito ay kailanganin naming maginitiate dahil lahat kami ay mga baguhan pa sa ganitong klaseng encounter. Si sarhento, at dalawang señor lang ang aming kasama ngayon. Sa unang pagsabog ay tatlo na agad ang natumba sa amin at isa doon ang isang senor at lubha namang napuruhan ang isa pang senyor sa amin dahil sa kumalat na pulbura sa kanyang likuran mula sa unang pagsabog kanina. Since I am the second in command sa hanay namin kailangan kong panguluhan ang aking mga kasamahang privates.

“Sarhento…” sambit ko sabay akay sa kanya.
“Damnit… ang paa ko.” Wika niya. Naipit ang paa ni sarhento ng matumba ang sinasakyan naming truck mabuti nalang at may bag sa ilalim kung kayat di masyadong nabigatan ang paa niya at kaunting fracture lang.
Sinubukan kong buhatin ang nakadagang bakal sa paa niya pero hindi sapat ang lakas ko para mabuhat ito.
“Sir…kailangan niyoo ng bilisan!” sigaw ni Rolan.
“Ahhrrgg.. mabigat.”
“Damnit.. iwan niyo na ako dito.. you need to call  back-up.”
“Hindi pwede sir, kailangan kang makaalis dito..” pamimilit ko, dahil hindi ko naman talaga kayang iwan na ganun ang kalagayan ng head namin. “Eric, tulongan mo ko buhatin ito..” sigaw ko kay Eric na nagpapaputok sa mga kalaban.
Dagli akong tinulongan ni Eric at pagkatapos ay sabay naming binuhat ito. Bahagyang naiangat namin ang  bakal at agad hinila ang paa ni sarhento.
Akay-akay naming dalawa ni Eric si sarhento pabalik sa aming pinagtaguan kanina.

“Eric!!!” napasigaw ako sa pangalan niya ng natamaan siya ng bala sa binti.
“Sige k-kaya ko pa… p-paa lang toh..” wika niya habang tinitiis ang sakit at mabilis kaming nagpatuloy. Habang yung mga kasamahan ko ay patuloy sa pagcover up sa amin at ng sa ganun ay hindi agad kami ang mapunterya ng mga kalaban.
Hanggang sa lumipas ang limang minuto ay biglang sunod-sunod na sumabog ang parte ng pinagtataguan ng mga kalaban.
Namayani muli ang pag-asa sa amin. Dahil dumating din sa wakas ang reinforcement.

Matapos ang encounter na ‘yun ay naging laman kami ng balita sa buong bansa at  kahit sa CNN.
Anim sa amin ang namatay, at tatlo ang sugatan. Sunod-sunod ang tawag na natanggap ko. Mula kay mama, kay lolo at kina ate at kuya. Tinext ako ni papa pero kahit ‘yun lang ay Masaya na ako. Nagalak rin ako ng tinawagan rin ako ni Maribeth, ramdam ko rin ang labis na pag-aalala niya sa akin na siya namang ikinasaya ko dahil may rason nako para isagawa ang binabalak kong pag-amin sa kanya pagbalik namin pagkatapos ng operation.
Nahuli namin ang mga terorista at natunton namin ang kanilang mga hideouts.
Nagpasalamat rin sa akin si 1SGT David John Lamparas sa pagtulong namin sa kanya.
Masaya din ako at kaming dalawa ni Mark ay buhay pa at sabay kaming makakabalik muli sa camp. Kaharap ko siya ngayon, nguya-nguya ang bubble gum dahil sa lakas ng pressure sa himpapawid sapagkat nakasakay kami ngayon sa chopper pabalik ng camp.

          Lampas isang oras din ang tinagal namin bago tuloyang makarating.
         
          “Oh! Parang balisa ka ata huh? Budz tapos na ang gera..”
          “Ah eh basta.. sasabihin ko sayo maya…”
          “ahmm okay..”
          “Sige budz mauna na muna kayo may pupuntahan lang muna ako…”
          “Oh sige, balik ka agad baka hanapin ka…”
         
          Ngayon ay kaharap ko na ang St. Ignacios church. Marahan akong pumasok, sana dumating siya. Hiling ng aking isipan. Tahimik ang paligid, tanging huni lang ng ibon at ang ingay ng mga apak ko ang umaalingangaw sa nakaabinging katahimikan sa loob ng simbahan.
          M-Maribeth?  Bulong ko ng makita ko siya na nakatalikod. Alam kong siya ang babaeng nauna pa sa akin na nakarating sa simbahan. Lumakas ang pagtibok ng aking puso, nakakabingi, at mas nakaramdam ata ako ng kaba sa oras na ito kesa sa nangyaring encounter namin sa basilan. Huminto ako saglit at huminga ako ng malalim upang mapakalma ang sarili. Bahala na kahit ano ang kakahantungan nito basta ang mahalaga malaman niyang gusto ko siya dahil kailangan ko siya at higit pa sa pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya.. Wika ng aking sarili. Habang papalapit ako ng papalapit sa kinauupuan niya ay tila pakiramdam ko ay lilipad ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ang kabahan na ipagtapat ang aking nararamdaman sa isang babae, malayo sa dating mga naging kasintahan ko
          Akma na sana akong hahawak sa kanyang balikat at tatawagin ang pangalan niya, pero bigla siyang tumayo.
          “P-Philip…?” bigkas niya sa pangalan ko habang nakatalikod pa ito.
          “Hehe. M-maribeth..” pangalan lang ang naisambit ko habang pinipilit na ngumiti para matakpan ang kabang naguumapaw sa dibdib ko.
Marahang lumingon siya sa akin, “Aahh eh hindi ko inexpect na mas mauun- ahmmm”
          Alleluia!!! Am I dreaming? Oh God!!! Sana hindi ito panaginip! sigaw ng aking puso na halos malunod sa biglaang PAGHALIK ni Maribeth sa akin. Kung kanina ay halos sasabog ang dibdib ko ngayon naman ay matutunaw ako sa sarap na halik na aking naramdaman. Kahit sabihin pang marami na akong nahalikan pero kaiba ang halik na aking nararanasan ngayon, puno ng pagmamahal, pananabik at uhaw sa isa’t isa. Parang nagliwanag ang aming paligid, para akong tinubuan ng pakpak at binalot ako ng saya sa kaloob-looban ko sa pagkakataong ito.
          Natigilan si Maribeth sa paghalik, nasilayan ko ang pisngi niyang malarosas sa pula marahil nakaramdam ito ng hiya sa ginawa niyang biglang paghalik sa akin.
“aahh- P-Phil-“ putol na sambit niya sa akin ngunit napatigil lang ito  ng hindi pa ako nakontento at muli ko siyang hinila padikit sa katawan ko at muling inilapat ang mga labi ko sa labi niya. Isang klaseng halik na puno ng pananabik at pagmamahal.

“Simula noong gabing una kitang nakita at nakilala ay hindi ka na naalis isip at puso ko Maribeth. Mahal na mahal kita!” madamdaming wika ko sa kanya na puno ng sinseridad at niyakap ko siya ng mahigpit.
“And as much as I did Philip. That’s why I really asked my dad na ikaw ang maging kasama ko sa pagpasyal because after that night, I’ve always been wanting  your presence, because with you I can wholly feel the security and now the love. Hindi ko maalis ang labis na pag-aalala ng marinig ko ang balita sa nangyari sa inyo doon sa Basilan.”
“Do you still remember noong nagpaalam ako sayo na I’ll survive and return  safe and alive…?” tanong ko.
“Ahm..yes you told me that”
“dahil may karugtong yun. That statement was for you Maribeth.. I will survive for you and come back for you… because I love you more than you’ll ever know, more today than yesterday and you are my life…”
“ahmm, lalim niyan huh..Thank you Phil, and I love you more..” biro pa niya sa akin.
“Naman! So tayo na talaga..”
“Baliw, kanina pa!”

At muli kaming naghalikan. Naging saksi ang simbahan sa aming pagmamahalan na di ko suka’t akalain ay matagal na palang nabuo sa aming dalawa.

Sunday, June 16, 2013

ISR: Chapter 03



ChapteR 03

          This is it! My new world! Wika ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay magiging official na kasama na kami ni Mark sa Philippine Armed Forces. Nakakaproud sa sarili na sa kaloob-looban ko’y ang paging sundalo ay sinadyang nakatadhana para sa akin. Sa isip, sa puso at sa mga gagawin namin sa hinaharap.
          “GODDAMNIT! Villarama are you listening!” sigaw sa akin ni Lieutenant Enrique Delos Reyes. “Presence of mind! Punyeta!”
          “Sir Yes Sir!” sagot ko, with firm and snappy voice.
          “Give me fifty push-ups!”
          “Yes sir!” mabilis kong sagot. –then I drop like a log-, sabay bilang habang tinutulak ang katawan taas-baba gamit ang braso, “1-2-3-4-5-6……….”
Ganito ang buhay sundalo. Every mistake ay may katumbas na punishment. Pero ang fifty push-ups ay chicken lang yan. Hanggang sa patapos na rin ako sa pagexecute ng fifty push-ups. “46-47-48-49 and 50!”
“Fifty push-ups sdonesir!” pagkompirma ko sa kanya. Ang pagsalita namin pag may S ay dugtong-dugtong.

“Today your journey starts, pumasok kayo sa pagsusundalo upang hindi maglaro ng baril-barilan, dahil totoong armas ang inyong hahawakan. Sinubok ang inyong katatagan upang mapatunayan sa hukbo na karapat-dapat kayong maging alagad ng kaayusan at kapayapaan. Being a soldier means a lot to our country, to the civilians, and to your comrades! We should stand and fight until the last drop of our blood, this is our duty to protect and to fight for our country. This is our world, asahan niyong mas higit pa sa dinaanan niyong pagsubok ang mararanasan niyo sa mundong ito. Dahil simula ngayon hindi na kayo kaisa sa mga sibilyan, sapagkat habang suot niyo ang uniform niyong iyan ay bitbit niyo ang responsibilidad na protektahan sila, ang mga sibilyan at ang buong bansa. Matuto tayong maging tapat at responsable sa mamayan at sumunod sa utos ng nakakataas sa atin at sa ilalim ng utos ng commander in chief. Tayo ay sinanay, para maging katuwang sa kapayapaan at pagsugpo ng kaguluhan at terorista sa ating bansa.” Mensahe sa amin ni lieutenant, na ang bawat salita niya ay puno ng kahulugan at katapatan sa tungkulin.
“Do you understand private soldiers!”
“SIR YES SIR!!!” sabayang pagsang-ayon naming lahat.
“Again, do you understand soldiers!!!”
“SIR YES SIR!”
“Fall out!”

**********

          Oras na ng tanghalian, isa-isa kaming nagpilahan para mabigyan ng pagkain. Dalawang sandok ng kanin, isang hiwa ng pritong isda, isang pirasong kamatis, isang hinog na saging at chicken soup, ito ang pananghalian naming lahat. Malayo sa pagkain sa bahay na halos palagi fiesta. Pero ganito talaga, bawal ang umangal dahil kung marinig kang umaangal ay wala kang makakain. Isa iyan sa batas namin pagdating sa pagkain. Ika nga we should learn eating like a slave dahil pagdating ng panahon na kailangan naming kumain ng damo ay sanay na ang aming tiyan para mabuhay sa gitna ng kagipitan. Sa katunayan nga nasali sa pag-aaral namin ang iba’t ibang klase ng mga halaman na pwedeng kainin sa gubat, pati dahon at kung paano rin maghuli ng cobra at saang bahagi nito ang dapat kainin o tanggalin bago kainin o bago higupin ang dugo nito. Natutunan din namin pano gumawa ng apoy na walang gamit na posporo o lighter, gumawa ng bitag para manghuli ng ibon, binaw, baboy ramo at iba pang mga hayop. Lahat natutunan namin sa loob ng survival zone.
         
          Matapos ang tanghalian ay naatasan ang company namin na maghakot ng lupa para gawing sandbag o yung sako na pinupuno ng lupa at pinagpapatung-patong for field fortification.
          Habang naghahakot kami ng lupa, narinig ko ang pagtatawanan ng iba kong kasamahan.
          “Pare ang ganda talaga niya..ang sarap niyang ikama…” kwento ni James sa grupo niya habang nagpapala ng lupa. “Kung hindi lang talaga siya anak ng tigre, malamang matagal ko na siyang niyayang mag-one night stand..” dagdag pa niya at muling naagtawanan ang mga kasamahan niya.
Sabi nga ng karamihan, na sa sampung tupa ay may isa talaga sa kanila na ugaling kambing, at masasabi kong isa si James na yun na may ganoong paguugali. Iwan ko ba kung bakit nakapasa ang kurimaw na ito. Walang ibang alam kung hindi ang magsimula ng gulo, mahilig magkwento ng mga kabalbalan, at higit sa lahat mayabang. Naririnig ko ang mga salita niya mula sa isang lote na pinaghakutan rin namin ng lupa.
          “Pare, kung nakita nyo ang dibdib niya fuck! Nakakalibog!” wika niya uli tapos muling nagtawanan ang lahat.
          “Pare bakit hindi mo naman sinabi sa amin agad na dumaan pala siya kanina sa opisina ng tigre..” wika ni Zalde.
          “ahh…mga brads dahan-dahan kayo sa mga salita baka marinig kayo sa taas..” singit ko sa kanila.
          “Hindi naman nila kilala tinutukoy namin pare…”
          “Bakit sino pala tinutukoy niyong tigre…” pagklaklaro ko.
          Nagtawanan ang grupo. Lumapit sa akin si Zalde, Ang heneral ang tinutukoy nila, nakita kasi ni James ang anak nito pinagmamayabang niyang nakalibog daw …
          “S-si Maribeth ba?”
          “Aba kilala mo? Uu Maribeth daw pangalan narinig ni James kanina na tinawag siya ng tigre..”
          Nang malaman ko na si Maribeth pala ang kanina pa nilang pinagpipistahang pagpantasyahan at bastusin ang imahe nito, ay bigla akong nakaramdam ng galit hindi ko alam kung bakit at dahil kung tutuusin ay wala din naman akong karapatan para maramadaman ito.
          “Pare hindi namin alam na kilala mo pala siya, hanep ka baka naman naunahan mo na kami sa kanya ano…”
          Huminga ako ng malalim, lalong uminit ang ulo ko, umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking batok, hindi na ako nakapagpigil at sa di malamang kadahilnan ay bigla ko nalang kiniwelyohan si Zalde.. “Putang ina! Wag na wag mong pagsalitaan ng ganyan si Maribeth!!” sumbat ko sa kanya habang mahigpit na hinila ang kwelyo ng army shirt nito.
          “Eh gago ka pala eh! Sino kaba sa inaakala mo para pagsabihan mo ako niyan, bakit syota mo ba siya huh!” sumbat din sa akin ni Zalde sabay tulak sa akin.
          Susugod na sana ako uli sa kanya ng bigla nalang ako hinarang ni Mark, “Budz tama na iyan… baka mahuli pa kayo…”
          Pinilit kong pinakalma ang sarili. Hinawi ko ang kamay ni Mark mula sa pagkakahawak niya sa braso ko, umalis at muling bumalik sa aking pinaghukayan na lupa. Napaisip ako sa sinabi ni Zalde sa akin, tama nga din naman siya wala akong dapat ikagalit at pagsabihan siya na ihinto nila ang pagpapantasya kay Maribeth dahil hindi ko naman sya syota o wala naman kaming relasyon, sa katunayan ay sandali lang naman ang aming pagkikita nung gabi ng party. Tahimik lang ako habang nagbubunkal sa lupa, at si Mark ay tahimik lang din sa kinatatayuan niya.
          Muli kong narinig ang kanilang tawanan at hiyawan, at muli ko na naman narinig ang pangbabastos ni James kay Maribeth kahit wala pa itong binabanggit na pangalan at sinasabayan din naman ito ni Zalde. Nanigas ang panga ko, napahinto ako sa pagbubungkal, hindi ko talaga alam kung bakit ganito nalang kaapektado sa ginawa nilang pangbabastos kay Maribeth. Nangdilim ang aking paningin.
          “Pare, sa susunod pag nakasalubong ko siya..sisiguraduhin kong ma-“ napahinto si James sa kanyang sinabi ng matamaan ko siya sa mukha mula sa binato kong binilog na lupa na tumigas dahil sa gigil ng aking kamao. Tumakbo ako patungo sa kanya at sinugod ko siya ng suntok. Narinig ko ang hiyawan ng lahat, parang mga bata na nakikinuod lang ng boxing. Susugurin rin sana ako ni Zalde pero bigla naman siyang sinipa ni Mark at silang dalawa ngayon ang nagbubunuan habang kami rin dalawa ni James. Naging maingay ang lahat, narinig ko pa na pinagpustahan kami ng mga kasamahan namin na parang nagsasabong lang.
          “PUNYETA!!! ENOUGH SOLDIERS!!!!!” Galit na suway sa amin ni Lieutenant.
          Biglang tumahimik ang paligid, isa-isang nagalisan ang ibang naming kasamahan.
          “WHAT IS THIS? CAN SOMEONE TELL ME WHAT THE FLYING F IS GOING ON HERE!” dagdag na sumbat niya sa amin. “This is beyond disappointment private soldiers!!! Do you really consider yourselves a soldiers? huh? Para kayong mga bata sa lansangan!”
“N-no si-“
“Shut the fuck up!!! I don’t want to hear your fucking voice (Zalde) Diamante! You guys are such a disappointment!!!”
          Natahimik kaming lahat.
          “Fall in!” sigaw niya sa amin at kasabay nito ay mabilis kaming humanay. Dahil ako ang mas matangkad ako ang pinakauna sa hanay.
          “Take my command….Humanda!” utos niya at pagkatapos ay matulid kaming tumayo. “Tikas ‘nga!”” at muli naming hinati ang aming mga paa ng 12 inches apart at inilagay ang mga kamay sa likod; breast-out, stomach-in and tiger look.
          “Anong tawag niyo sa inyong mga sarili? Mga inutil! Para kayong mga bata sa lansangan! Kulang pa ba ang mahigit apat na taon para maputol ng tuloyan ang inyong mga sungay?”, galit niya sa amin. Sa totoo lang ay nahiya ako sa sinabi ni serhiento. Para nga kaming mga batang lansangan sa mga inasal namin kanina.
          “at nasali ka pa talaga dito Villarama!” tuon niya sa akin. “Hindi mo naisip ang parangal na natanggap mo bilang outstanding cadet… such a damn fucking disappointment to your family name!” paglait niya sa akin. “And to you, Diamante, (Mark) Dizon, and (James) Fuentes… isa pa kayo mga kulang sa disiplina!”.
          Halos mag-aapoy na ang mukha ni Lieutenant sa galit at kulang nalang uusok ang tenga nito dahil ramdam namin ang galit at pagkadismaya sa amin.
          “200 squat thrusts!”
          Dang! Ito na nga ba ang sabi ko. “Sir yes sir!” Sabay-sabay naming banggit at pagkatapos ay sinimulang inexecute ang dalawan-daang squat thrusts. 1…..2…..3….4….5…..6…..and so on…
          Natapos kaming lahat na ligo ang sariling pawis, take note- bawal sa amin marinig na hinihingal.

          “ ‘tong humanda!....”
“Hindi ko na gustong makita pa uli ang mga nangyari kanina. Do you understand soldiers!”
          “Sir yes sir!”
          “Naiintindihan niyo ba ako!?”
          “Yes sir!”
          Maya pa’y isa-isa tinawag ang mga apelyedo naming ni Mark.
          “Villarama!”
          “Sir!”
          “Matanglangit!”
          “Yes sir!”
          “Dizon!”
          “Sir!”
          “and Santos!”
          “Sir!”
          “Remain where you at, and the rest who haven’t called- fall out and go back to your work!”
          SIR YES SIR!
          Ano naman kaya ang gagawin sa amin bakit nasali ako sa tinawag. ‘wag mong sabihing paparusahan na naman kami.
          “Colonel wants to see you.”
          What? Sergeant colonel wanted to see us? The hell why? –isip ko.
          “Sir yes sir!”
          “Proceed!”
         
          Now the four of us are inside colonel’s office.
          “Private Pilip Rey Villarama, first platoon leader of the alpha company sir! pinatatawag niyo po kami.” bungad ko bilang platoon leader na nakasalute.
          Ginantihan din kami ng pagsalute ni colonel.
          “Pinatawag ko kayo para sa isang misyon.”
          Mission? Tama ba ang narinig ko. Tanong ko sa aking isipan. Nagkatinginan kami ni Mark.
          “The four of you have been chosen by Captain Macapas to be part of the Basilan Information Operation by next week. We found out that dito nagtatago ang ibang myembro ng terrorist network ng Jemaah Islamiyah.”
          Medyo dilikado ang operasyong gagawin pero instead na makaramdam kami ng takot natuwa pa kami dahil bihira lang sa mga baguhan na masali sa ganito ka complicated na undercover operation lalo pa’t hindi pipitsuging terorista ang sasagupain namin sa Basilan.
          “You’ll be joining the intelligence under 18’th infantry battalion to be deployed in the site. So prepare yourself because it’s your time to show your abilities and skills that you’ve learned for more than four years.”
          “Yes sir!”
          “After here, meet Capt. Macapas for your functions in the area.”
          “Thank you sir!”
          “before that, Private Villarama, you have been requested by General Flores to escort her daughter na ipasyal sa AFP camp tomorrow. Take good care of her and make her enjoy the tour.”
          “Sir yes Sir!” Tama ba ang narinig ko? Escort, ako? Si Maribeth ang makakasama ko bukas….? Sabik na wika ng isipan ko.
          “Okay good. The four of you may go now.”
          “Permission to proceed sir.”
          Nagsalute sa amin si Lieutenant at pagkatapos ay humakbang kami one step backward at tumalikod upang puntahan si kapitan para sa mga gagawin naming next week.
         
          Pero habang naglalakad ay bigla akong siniko ni Mark.
          “Para atang hindi masukat ngiti sa mukha mo ngayon huh..”
          “hehe- halata ba budz?”
          “Masyadong halata ang abot tenga mong ngiti ulol!”
          “Syempre..” galak kong sagot.
          Nilingun-lingon lang ni Mark ang kanyang ulo at natahimik.
          At ako naman ay tahimik ring napaisip. Mali, tahimik na iniisip si Maribeth para sa gagawing pasyal namin bukas. Kaya naman siguro halos hindi mailarawan ang sayang naramdaman ko ngayon.