Friday, May 31, 2013

Chapter Twelve: Weird Day

XII
Weird Day

      A man in white clothes was running so fast, panting and seemed so distraught. He was shouting but soundless! He shouted over and over again but he heard nothing.
          Then a horrible laugh deafened him, it was almost like thunder.
A soul eater! A monster! A devil! Those were how he could give descriptions to this mysterious creature that had been so eager to kill him.
He continued running. He was surrounded by darkness.
There was a shadow that had been chasing after him.
He heard whispers all around…
          The moon became dark…
          Then blood spread everywhere….and a woman appeared in front of him that kept on telling him to run….run…
          Wake up!
          Wake up!

******************

          “Gising na! Umaga na! hijo gising na!”
          “’WAG!! ‘WAG!!!” Napasigaw ako at dagling napabangon mula sa pagkahiga habang ginigising ako ng aking lola. Kinakapos ng hinga at tadtad ng pawis sa nuo at ilong. Bangungot.. wika ko sa aking sarili ng nahimasmasan ako at nakita ko ang maamong mukha ni lola at hindi ang aninong humahabol sa akin sa panaginip.
          “Oh ano na naman iyan, binangungot kana na naman ba?” pag-aalalang sabi ng aking lola na marahang umupo sa kama at hinihimas-himas ang likod ko. “A-ano na naman uli ang napaginipan mo?” dagdag niya.
          Tahimik na tumingin lang ako sa mga mata ni lola, at ang titig na iyon ay alam kong alam niya ang ibig sabihin ‘nun.
          Napabuntong hininga si lola at pagkatapos ay nagwika, “Ang mga anino  na naman ba?”.
          “Opo.” Tipid kong tugon sa kanya sapagkat hindi ko na kailangan pang idetalye ang panaginip kong paulit-ulit nalang bumubulabog sa akin halos araw-araw; sa hating gabi, ng madaling araw o kahit bago pa ako magising sa umaga na wari nagiging alarm clock ko na ito kung baga.
          At sa tuwing ikinukwento ko ito kay lola ay lagi niyang sasabihin, “Panaginip lang iyan apo…” pagkatapos ay babalutin niya ako ng kanyang yakap. Ang tanging yakap na laging nagpapagaan ng aking  kalooban at nagpapabagal ng tibok ng puso kong daig pa ang drum sa lakas ng pagkabog.
          Sa gitna ng katahimikan, ay binasag ko ito ng aking malalim na hiningang kumawala sa naninikip kong dibdib.
“Lola anong oras na po?”
“AY naku tama.. magsi-six na at kailangan mo ng bumangon dahil maliligo ka pa at mag-aalmusal…” pagmamadaling wika ni lola na ang boses ay napapaos.
“heehee!” napangiti ako sa kanya. “Relax lola….”
“At anong ningit-ngiti mo diyan? Ahmm, Huwag mo sabihing-…”
          “Sige na lola.. please?” pakiusap ko sa kanya habang kinisap-kisap ko ang aking makikislap na mata at iginuhit ang napakatamis kong ngiti sa aking mga labi dahil alam kong madadala dito si lola. Indeed, I’m so damn irresistible!
          Napailing lamang si lola sa akin na ang ibig sabihin, “OKAY!” sigaw ko sabay lundag sa kama at tinumbok ang kinatatayuan ni lola upang yakapin siya at bigyan ng matamis na halik sa pisngi. “muwah!”
          Malamig ang panahon sa araw na ito lalo pa’t umaambon kaya naman masaya ako dahil pinayagan ako ulit ni lola na HINDI maligo. Ayaw ko talaga ng malamig na tubig, at lalo na sa umaga pero hindi ibig sabihin niyan na hindi na ako naliligo. Aba’y naliligo naman ako kaso pag ganito kasi ang panahon hindi ko nakakayanan ang lamig ng tubig, kaya minsan kailangan pa mag-init para ihalo sa isang baldeng may malamig na tubig. At sa araw na ito, hilamos, hugas sa paa at toothbrush lang ang mangyayari. I like it!
         
          Ilang minuto lang ang lumipas at natapos narin akong makapagbihis ng school uniform namin. Wala kaming plantsa pero hindi naman masyadong gusot ang uniform ko, at dahil nga sa paging resourceful nakatulong din ang kama kong yari sa kawayan at matigas na unan. Kasi bago ako matulog sa gabi ay sinisigurado ko munang ilagay ang tinuping uniform ko sa ilalim ng unan upang pagkaumagahan ay maala-plantsado na ito. Hanep!
          Lumabas na ako ng kuwarto, at nakahanda narin ang almusal sa hapag-kainan; tuyo, itlog na may kamatis, at higit sa lahat ang mainit na sikwate. Nakita ko rin si lola sa maliit naming sala na hinahanda ang mga kakanin niyang ibibenta sa palengke habang umuusok naman ang nilikit na tabako sa bibig niya.
          “Oh, am mbilis huh!” sambit ni lola na may tabako sa bibig at nagpalingun-lingon sa ulo nito.
          “hehe.. Naman!” galak na sagot ko na may yabang ang tono. Umupo na ako sa mesa at sinimulang hinigop ang mainit na sikwate. Ganito talaga ako inuuna ang walang katumbas na sikwateng tinimpla ni lola para sa akin. “Wow! Lola ang sarap talaga ng sikwate mo kahit kelan!” giliw kong sambit sa kanya na talagang walang halong pambobola dahil totoo namang masarap para sa akin ito.
          “Naman!” pagmamayabang ganti ni lola sa akin.
          At sa simpleng usapang iyon ay namayani sa amin ang tuwa at masayang araw sa kabila ng maambon na panahon.
         
          Ilang sandali pa ay nakahanda narin kami ni lola at tamang-tama pahinto na rin ang ambon. Bago siya tutungo sa palengke ay hinahatid muna niya ako sa paaralan gamit ang kanyang lumang bisekleta. Dalawampung minuto ang tinagal sa pagpapadyak ni lola ng kanyang bisekleta bago namin marating ang San Fernando Central Elementary School. Siya kasi ang nagmamaneho, at hindi niya gusto na ako dahil ika nga para sa kanya siya ang matanda. Hindi naman siya masyadong nabibigatan sa akin dahil payat naman ako.
          Sa pisikal na anyo ay masasabing matanda na nga ang lola ko, halata na ang mga kulubot sa balat at namamayani na rin ang mga puti niyang buhok sa ulo, pero sa anyo lang iyon dahil sa tibay at lakas ng buto ay mas malakas pa siya sa kalabaw at dito ako nabibilib sa kanya. Matibay!

          Bumaba na ako mula sa pagkakasakay sa upuang nasa likod ng bisekleta ni lola habang ang kanyang mga panindang kakanin ay nasa harap nakalagay sa isang basket na itinali sa manubela.
          Nagmano at humalik ako sa kanya bago ako nagpapaalam.
          Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong tinawag.
          “Virgel!”
          Dagli akong napalingon.
          “Yes, lola Paring?” pabirong tugon ko din sa kanya.
          Gumaan ang loob ko ng masilayan ko ang napaka-aliwalas niyang ngiti sa akin.
          “Ang baon mo apo” wika niya sabay abot sa tatlong pesong pabaon niya sa akin.
          “hehe! Lola.. may pera pa po ako dito hindi ko kasi nagasta ang baon ko kahapon dahil nilibre ako ng kaklase ko.” Nahihiyang paliwanag ko sa kanya at totoong hindi ko talaga ginagastos ang perang binibigay niya sa akin,  hindi lang ako bumibili tuwing recess dahil may baong kakanin rin naman ako at araw-araw ang mga pabaong suman, sapin-sapin at kutsinta ni lola ang siyang kinakain ko lang tuwing recess namin. Nakakaumay na nga minsan kaya ginagawa ko binibenta ko nalang sa mga classmates ko eh di nagkapera pa ako. Hanep!
          Sinadya ko talgang mag-ipon ng pera para sa mga projects at papalapit naming graduation sa elementarya. Sapagkat payak lang naman ang pamumuhay namin at ayaw ko ring makadagdag sa mga gastusin ni lola. Sapat na sa akin ang ako’y makapag-aral sa tulong ng kanyang pagkakayod sa araw-araw.

          “Ay naku! Sige na apo kunin mo na toh!” pamimilit ni lola sa akin.
          “Lola, may pera pa nga po ako..”
          “Apo wag matigas ang ulo, sige na pambili mo nalang ng ibang pagkain sa tindahan dahil alam kong nauumay ka na sa mga kakanin ko..” sabi niya na may pabiro sa boses.
          “Lola talaga oh, sige na nga! Salamat la!” at wala nga akong nagawa kundi tanggapin ito.
          Tatalikod na sana ako ng bigla ako ulit tinawag ni lola.
          “Virgel!”
          Nahinto ako at marahang lumingon sabay buntong hininga, “Lola…ano na-“ natigilan ako ng nakita kong hawak-hawak niya ang kwentas kong orasan na kulay ginto.
          “Nakalimutan mo kanina sa mesa..” wika ni lola na nakataas ang isang kilay ngunit kita ang ngiti sa labi.
          “Tama.. hehe nakalimutan ko..” at agad ko itong kinuha at isinuot sa leeg. “Salamat la…”.
          “O sya tumunog na ang bell pumasok kana..”
          “O-opo la! Ingat po kayo!”
         

          Dalawang oras din ang lumipas at muling umalingawngaw ang tunog ng bell. Recess na… bulong ko sa aking sarili.
          Habang tahimik lang ako sa upuan ko at ang iba naman ay nagsisitayuan na sa upuan nila para bibili ng pagkain sa canteen, maya-maya pa ay may biglang nagtiliang babae sa labas ng classroom namin. Napapikit ako sa aking mata, at mariing hinimas-himas ang nuo. I knew them. They are the fifth graders.
          Nilingon ko ang tatlo, na walang ekspresyon sa mukha. Istrikto ako eh kaya ganun. Pero imbes na matahimik sila ay mas lalo pa silang kinikilig.
          “naku..tumingin siya  sa akin…My gosh!” ambisyosang wika ng isa sa kanila.
          “Tse! Ano ka siniswerte? Sa akin noh!” palag naman ng pangalawa na may mahabng buhok at color pink na hair-band sa buhok.
          “Girls… akin lang siya.” Wika naman ng pangatlo na siyang kinatahimik ng dalawa. Maaring ito ang nagsisilbing pinuno sa tatlo.
          Hindi nako nakatiis sa ingay nila, at lumabas ako sa room. Habang tinatahak ko ang pintuan ay lalo kong nakikita ang palaki nilang mga ngiti. They’re all assuming na lalapitan ko sila. Rinig ko na rin ang tawanan ng iba kong classmates sa room. Pero dinaanan ko lang sila na parang hindi ko sila nakikita. Hindi sa naging hambog ako pero ayaw ko lang talaga ng maingay at sa akin nakatingin ang mga tao. Gusto ko ng tahimik.
          Hindi ko din naman hinangad na biyayaan ako ng guwapong mukha. Iyon ang totoo. Dahil piling ko sa akin lahat tumitingin at kahit sa mga ale ay pinupuri ang hitsura ko. Maputi kasi ako, may matingkad at malambot na buhok, maganda ang hugis ng aking ilong at ang mga mata kong nakakakit dahil sa kulay brown ang balintataw ko na bumagay naman sa angled shape kong kilay. Maamo daw ang mukha at maaliwalas parang isang anghel. Ganito halos ang diskripsyon sa akin.
          Pero sa totoo lang ayaw ko ng ganitong level ng kagwapuhan. Tipong seryoso kasi ako pagdating sa labas at sa ibang tao at gusto ko ako lang at si lola ko. Hindi ko gusto na pinakikialaman ng iba.

          Diri-diritso akong lumayo sa tatlo, at hindi ko namalayan na may katagpo pala ako at hindi ko sindyang mabangga ito. Pagkatapos ay kumalat ang mga aklat at notebook nitong dala at tumilapon rin ang supot ko na naglalaman ng mga kakanin.
          “S-sorry…sorry… hindi ko sinasadya..” pagpapaumanhin ko sa kanya habang isa-isang pinupulot ang mga notebook sa lupa.
          Tahimik lang ito na pinupulot rin ang iba niyang gamit.
          Nang matapos ay marahan na naming inangat ang aming mga katawan mula sa pagkakabaluktot. Nang magkatinginan kami ay bigla akong nagulat na iba ang naging reaksyon ng kasing edad ko na batang babae sa akin. Para itong balisa, at natatakot sa akin kaiba sa reaksyon ng tatlong grade five students na di matigil sa pagpapansin sa akin.
          “S-salamat…” maikling sambit niya at sumunod ay bigla itong lumayo at mabilis na naglakad. Napagmasdan ko siya habang pumapalayo at nagtataka. Napabuntong hininga nalang din ako ng mahanap ko ang aking baong kakanin sa lupa na kasing lapad na ng piso.
          Pero hindi parin maalis sa isip ko ang naging reaksyon ng babae sa akin na parang daig ko pa ang may ketong.
Pero ganun paman wala akong pakialam kahit na nakakapanibago.

******************
         
          Natapos na rin ang klase.
          Naiwan ako sa daan na naglalakad. Tahimik ang kalsada at tanging ingay lang ng aso ang aking naririnig sa malayo. Hindi ko alam at naninibago talaga ako sa paligid.
          Kahit saan ako lumingon parang walang tao, kahit na mga estudyante ay hindi ko narin napapansin sa paligid.
          Biglang may dumaan na kulay itim na sasakyan, sinundan ko ito ng tingin, at nakita ko itong huminto sa harap ng batang babae na nakabangga ko kaninang umaga. Sobrang pagtataka ko na bakit hindi ko siya napansin kanina. Kahit sa malayo ay tanaw ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Blangko.
Maya-maya pa’y iniluwa mula sa itim na sasakyan ang isa ring babae, balingkinitan ang katawan, maputi at nakasuot ng kulay itim na damit. Marahil siya ang magulang ng batang babae.
          Naramdaman kong biglang nag-iba ang ihip ng hangin, nanlamig ako at lumakas ang tibok ng aking puso na halos naririnig ko na ito. Nakatingin sila sa akin, hindi ko alam kung bakit, siguro isinumbong ako ng bata na nabangga ko siya kanina. Pero hindi ko naman iyon sinasadya. Pakiramdam ko talaga mas malalim pa dun ang rason ng pagtitig nila sa akin. Sa ganoon ka blangko mga mukha.
          Bigla nalang akong nahimasmasan ng may humawak sa braso ko.
          “Okay ka lang ba?” wika ng babae.
          “I-ikaw..?” tanging tugon ko sa kanya ng mamukhaan ko siya. Siya yung isa sa tatlo kanina, ang hinala kong pinuno sa kanila.
          “A-anong problema?” ngiting tanong nito sa akin.
          “W-wala..” wika ko naman sabay sulyap uli sa unahan kung saan ko nakita ang itim na sasakyan at ang batang babae. Nasaan na sila? Bulong ko.
          “Ang alin?” takang tanong niya sa akin.
          “W-wala…wala…” sagot ko sa kanya na may halong pagtataka.
          Nagulat nalang ako sa paligid dahil napansin kong maingay na ito uli at may mga estudyante pa palang nakaksabayan kong naglalakad.
          “Ako pala si Cynthia..” basag niya sa akingpag-iisip. Halos di ko na napansin na katabi ko na pala siya.
          “Ah-“
          “Virgel tama?” diretsang sambit niya sa pangalan ko. Hindi nga naman kataka-taka at kilala niya ako.
          Ginantihan ko nalang siya ng ngiti at pagtango sa ulo.
          Hanggang sa di kalayuan ay umalingawngaw ang pagwang-wang ng ambulansya.
          Napako ang tingin naming dalawa ni Cynthia sa papalapit na ambulance patungo sa direksyon namin.
          Bigla akong nakaramdam ng kaba at kaakibat ng kabang naramdaman ko ay biglang pumasok sa isip ko si lola.
          “s-sige Cynthia… maiwan na kita..” pagmamadali kong paalam sa kanya. Hindi ko na siya inintay na magsalita at kumaripas na ako ng takbo upang tunguhin ang palengke dahil hindi naman ito kalayuan mula sa paaralan namin, upang puntahan si lola doon.


Friday, May 24, 2013

Chapter Eleven: Tragedy-II


XI
Tragedy – ll

         
          The night was soberly still and cold, ngunit sa kabila ng matiwasay at matahimik na gabing iyon ay ramdam parin ang maalon na karagatan.

 Kahit saang sulok ka man lumingon sa barko ay masisilayan ang mga pasaherong kanya-kanyang pwesto ng matutulogan habang pinapahanginan din ang mga sarili gamit ang pamaypay nilang gawa sa tinuping karton. Ang iba naman ay nakahiga sa sahig o di ka’y tinitiis ang mamaluktot sa mga benches na nagsisilbi nilang higaan. Maririnig rin sa loob ng passenger’s cabin ang mga iyak ng mga sanggol dahil sa init at sobrang sikip sa loob. Hirap ring makatulog rito sapagkat gugulantang sayo ang amoy na nagmumula sa mga katawang pawisan ng mga pasahero roon.

Ang grupo nina Enrico ay nakapuwesto sa dalawang double deck na higaan na sinadyang pina-reserved para sa kanila ng crew dahil kasama ito sa  binayad ni Enrico sa kanya. Tama nga't ito ay NAKA-RESERVED PARA LANG kay Enrico at sa mga kasamahan nito dahil ang mga bata ay nagtitiis lang sa sahig matulog.
Hindi kasama ng mga bata sina Abrahim at Jolina.

“Ayos lang kaya ang mga bata doon?” tanong ng matabang kasamahan ni Enrico.
“Wala akong pakialam.” Sagot niyang walang bahid na pag-aalala.
“Baka naman napano na ‘yung dal’wa? Mas lalo tayong malalagot niyan.” Dagdag niya.
“Kanina pa tayo lagot hindi pa man tayo nakasakay sa barko..” ani niya. “Bwisit!” sambit niyang may gigil at inis.
“grabe pare, biruin mo naisahan ka ng dalawang bata..” Pabirong sambit ng isa pa nilang kasamahan na si Lucio, nakahiga sa itaas at halatang pinipigilan  ang sariling hindi matawa.
“Wag mo kong palalain Lucio..” sumbat ni Enrico’ng naiinis na. “Papuntahin mo si Mauro sa baba para tingnan ang mga bata ‘dun baka may gagawin na namang kalokohan ang dalawa..” matigas na tugon ni Enrico.
Tumango lang ang matabang kausap niya. Pano naman makakagawa ng kalokohan ‘yun eh naka-kandado ang mga ‘to. Bulong nito.
Tumingin lang si Enrico sa kanya.

Habang nakikinig sa kanila si Joaquin na sa oras na ‘yon ay gising pa.

******************

          “Masakit parin ba?” tanong ni Jolina na ramdam ang pag-aalala sa kaibigan.
          “S-sabi ni Inang at Amang ko kailangan kong maging matapang kahit anong m-mangyari…” sagot naman ni Abrahim na pinipilit ang sarili na hindi umiyak kahit pakiramdam niya ay naninikip na ang kanyang dibdib at halata sa boses nito na aalon-alon.  Marahan niyang hinimas ang pasang natamo sa gilid ng bibig niya na likha ng sampal ni Enrico n’ong malaman niyang iniwan niya ang sanggol. Sa tindi ng poot ni Enrico ay halos mapatay na niya ang bata sa ginawa niyang paggulpi dito. Mabuti nalang pinigilan siya ng kanyang mga kasamahan at pinaalahanan tungkol sa bilin sa kanila ni Bossing. Kung kaya’t imbes na suntok ay kinuha niya ang lampin na ginamit ng dalawa kanina at pinaghahampas niya ito sa dalawang bata. Nahabag ang ibang mga pasahero sa ginawa niya sa bata at sinubukang pigilan siya pero sinusumbatan niya lang ang mga ito na hindi makialam. Nang mapagod na ang walang pusong si Enrico ay dinala niya ang dalawang bata sa lower deck at ikinulong niya ang dalawa sa loob ng room na ang laman ay mga basahan, at walis. Mabaho, mainit, marumi at madilim ang maliit na kwartong iyon na tanging maliliit na butas sa pinto lamang ang nagbibigay ng mapanglaw na liwanag na mula sa labas at kaunting hangin upang hindi sila malunod dun sa masangsang na amoy. Hindi makalabas ang mga bata dahil kinandado ito ni Enrico.

          Napagod na ang dalawa sa pagsisigaw ng tulong dahil wala namang nakakarinig sa kanila roon sapagkat wala naman sigurong pasahero na kakayaning magtambay ‘dun kahit na gaano kasikip na ang ibang parte ng barko bukod sa mabaho at marumi dito ay malapit rin dito nakalagay ang septic tank ng barko nakung saan dito napupunta ang rumi ng mga tao mula sa mga "heads"(toilets) ng barko..

          At tinitiis ito ng dalawang bata, bagkus ay nagkwentuhan na lamang ang mga ito.
          “Ayos lang kaya si master ngayon?” alalang wika ni Abrahim para sa sanggol.
          “Siguro.. mukha namang mabait si Lola eh, aalagaan naman siguro niya kapatid mo..”
          “H-hindi ko siya kapatid Jolie..?”
          “Ahmmm?, eh ano mo pala?”
          “Master ko…” pagmamayabang sagot niya rito.
          Napabuntong hininga lang si Jolina at namayani ang katahimikan.
          “Babalikan ko si Master…” basag niya.
          “Eh pano yan? Hindi mo naman kilala si lola..”
          “Hahanapin ko ang sila…” mariing sagot ni Abrahim. “M-may palatandaan ako sa matandang ale..”
          “Yung malaking nunal niya sa noo?” dugtong ng kaibigan.
Tumango lang si Abrahim, “..at malalaman ko din iyon dahil may iniwan ako kay master para kung suot niya ito malalaman ko na siya si Master..”
          Hindi na kumibo si Jolina.
          “Iniwan ko din sa bag ang libro…” dagdag ni Abrahim.
          At muling namayani ang katahimikan.

          Nainagan ni Jolina na marahang lumuhod si Abrahim sa basang sahig. “A-ano ginagawa mo..?” basag niya.
          Patuloy paring nanahimik si Abrahim at pagkakuan ay “Magdadasal” wika niya.
          “Ganun..?”.
          “Oo..” simple niyang sagot na sinabayan ng pagtango sa ulo.
          “bakit?”
          “Para tulongan tayo ni Bathala..”
          “Maririnig ka kaya ni God?”
          “Oo naman, kasi isa akong anghel..”
          Bahagyang natawa si Jolina sa sinabi ni Abrahim. “Eh wala ka namang pakpak ahh?” paninigurado niya.
          “Eh kasi sabi ni Amang nasa lupa ako…at pagdating ko dun sa langit tutubo ito..”
          “ At bak-“
          “Ssshh…” putol niya kay Jolina sa sasabihin pa sana nito.
          Natahimik si Jolina, at wala na din itong magawa kundi sabayan si Abrahim sa pagdadasal.
         
          Naputol lang ang taimtim nilang pagdarasal ng biglang may sumipa sa pintuan.
          “Hoy! Kayong dalawa…humihinga pa ba kayo diyan!!?” bulalas nito. “Ayos din kayo noh, at naisahan niyo si Enrico..uhm” sarkastikong sambit nito sa mga bata. Sumilip ito sa isang butas upang tingnan ang mga bata sa loob at pagkatapos ay tusong iwinagayway ang dalang susi na parang nagpapainggit.
          “Sir! palabasin niyo na po kami dito maawa na po kayo sa amin…”pakiusap ni Jolina.
          “S-senor….h-hindi po ba kayo nahahabag saamin…” wika naman ni Abrahim na napatingin naman sa kanya si Jolina dahil sa kaiba itong magsalita na parang nasa sinaunang panahon.
          Tumawa lang ang lalaki. “Bukas na kayo makakalabas dito…pahamak kasi kayo!”. Pagkatapos ay lumayo na ito sa pintuan at pansamantalang tumayo sa unahan walong metro mula sa kinaroroonan ng mga bata at dumungaw sa bilog na butas na kasya lamang ang ulo upang tingnan ang labas. Madilim at tanging ingay lang ng karagatan ang maririnig na humahampas sa barko.

********************
         
          Halos tulog na ang lahat ng mga pasahero sa barko at pati narin ang grupo nina Enrico.

Mahigit isang oras na rin ang lumipas mula nung pinuntahan ni Mauro ang mga bata.
          Hindi na namalayan ni Mauro na nakatulog pala siya, at nagising na lamang na niyuyugyogng isang paa. “ Anak ng demonyo…. Mauro! Gising! Gising!” bulalas ng lalaking gumigising sa kanya.
          “Ah- E-Enrico….” Tarantang sagot nito habang mabils na tumayo.
          Kumawala ang malalim na hininga ni Enrico, “kahit kelan wala ka talgang silbi…. Kung hindi pa ako nagising baka may nangyari pa dito….Kumusta ang dalawa?”
          “S-sinong dalawa?” sagot ni Mauro na naalimpungatan.
          “Bwisit! Sino pa eh di ang mga bata! Bobo!” galit niyang sigaw sabay batok sa kanya.
          “T-ta-tama…ang mga bata… n-nandoon pa sila sa loob…” nagkukumahog na sagot niya sabay turo sa silid kung saan nandoon ang mga bata.
          Tinungo nilang dalawa ang kuwarto, habang papalapit sila rito ay sumasalubong naman sa kanila ang masangsang na amoy.
          “Sa-saglit lang …” kinapa niya ang kanyang bulsa upang hanapin ang susi.
          “Punyeta!!!!! Susi ba hinahanap mo?….ba’t nakabukas na ‘to!!!” biglang sigaw ni Enrico sabay hawak sa kandadong nakabukas na namumula at nanglilisik ang mata at kulang nalang ay bubugahan na siya nito ng apoy.
          Natigilan si Mauro ng makita niyang nakabukas na nga ito pagkatapos ay mabilis niya uli kinapa-kapa ang mga bulsa niya subalit wala na ang susi.
          “Pa-paano nangyaring….”
          “Anak ng….”, susuntukin na sana niya si Mauro ng biglang may sumigaw sa kanilang likuran.
          “Enrico! Nawawala si Joaquin!!!!”
          Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo na parang sasabog ito at nanigas ang panga niya sa narinig. Lumipat ang tingin niya kay Mauro at itinulak na lang ito ng malakas.
          “Hanapin niyo!! Mga mangmang!!!” umalingawngaw ang galit niya sa silid.

******************

          “Salamat kaibigan..” nakangiting wika ni Abrahim.
          “Oo nga waki… salamat!” segundang tugon din ni Jolina.
          Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Joaquin na siya ring ikinatwa din ng dalawa niyang kaibigan na muli nilang nasilayang ang ngiti nito.
          “W-walang ano man…” mahinang sambit ni Joaquin.
          “Teka lang…” biglang hawak ni Jolina sa braso ni Joaquin na siyang muling ikinagulat nito at iniwaksi ang kamay ng batang babae.
          “P-pa-pasensya-“ uutal-utal na wika ni Joaquin.
          “Ayos lang iyon wak, pa-paano mo pala nalaman na nakakulong kami dun..” ani ni Jolie.
          “N-narinig ko sila habang nag-uusap..n-nang makatulog sila ay hinanap ko kayo, at nakita ko ang k-kasamahan ni…” paliwanag niya ngunit hindi mabigkas ang pangalan ni Enrico.
          Tumango lang ang dalawa.
          “Saan ngayon tayo pupunta…?” wika ni Abrahim na natatakot na rin baka mahuli sila uli ni Enrico.
          “Magtatago muna tayo,…” suhestyon ni Jolina. “At bukas pagdating natin sa Manila..tatakas tayo..”
          Muli silang tumakbo at nagpalundag-lundag sa mga natutulog na mga pasahero sa sahig at naghahanap ng matataguan.

          Ano ba ‘yan! Tumingin kayo sa dinaanan niyo mga bata! suway ng babae na naapakan ang paa.

          Narinig ito ni Enrico at napalingon sa bahagi kung saan narinig niya ang umangal na babae at binanggit ang salitang mga bata. Agad niya itong tinungo.
          “Misis, may nakita ba kayong napadaan na tatlong bata”
          “Yung tatlong disturbong bata….dun….dun..pumunta ang tatlo..kainis! diturbo kayo!”  Taray niyang turo gamit ang maputlang nguso nito kung saan pumunta ang mga bata.
          Hindi na nakaantay si Enrico at dagli itong umalis. Lagot kayo sakin mga bwisit kayo! Sumpa niya sa sarili.

          Nag-abot si Mauro at Enrico. “Oh Ano?! Nakita niyo na ang mga bata?!...” dagliang bungad niya.
          Umiling lang si Mauro.
          “BWISIT! BWISIT!” gigil niya. “Wag kayo titigil hanggat hindi nyo Makita ang tatlo! Mga mangmang!”.
“hanapin niyo sa bawat sulok ng barko…hindi yun makakalis sa barko!”
          Mabilis na umalis ang dalawa upang hanapin uli ang mga bata.

          “Wala na ba sila?” tanong ni Jolina.
          “Naka-alis na..” sagot naman ni Joaquin.
          “A-anong ginagawa niyo dito? Sino kayong mga bata kayo?” wika ng matandang mama na nagising sabay buklat sa kumot niya kung saan sa ilalim ng kumot nito nakatago ang mga bata.
          “P-pasensya po sa inyo seƱor…” pagpapaumanhin ni Abrahim at pagkatapos ay mabilis na tumayo ang mga bata at tumakbo habang nakatulala lamang ang matanda.
          Hanggang sa di naglao’y napadpad sila sa dulo ng barko.
          Tsk.tsk.tsk… “Checkmate….”
          Napalingon ang mga bata at bumulaga sa kanila ang dalawang lalaki na kasamahan ni Enrico na sina Lucio at Mauro na may mala-demonyong ngiti.
          Akmang tatakas sana ang mga bata, ngunit mabilis silang hinarangan ng mga ito.
          “Anong gagawin natin?” takot na sambit ni Jolina na nanginginig ang boses.
          “Hindi ko alam….h-hindi ko a-alam…hindi..hindi!” nanginginig na sigaw ni Joaquin habang mahigpit na tinatakpan ang mga tenga ng kanyang mga palad.
          “Wag kayo mag-alala…lalaban tayo?” matapang na wika ni Abrahim kahit nanginginig na din ang tuhod nito.
          “Shonga ka ba eh..mga bata lang tayo, paano tayo lalaban?!” Sumbat ni Jolina.
          “Basta..” tipid na sagot niya.
          Paano nila matatakasan ang dalawang barumbado? Na sa katutanayan ay wala silang laban sapagkat mga bata lamang sila- sa edad, sa sukat ng katawan at kahit sa isipan. Malabong malalabanan nila sina Lucio at Mauro.
          Sinugod ng dalawa ang mga bata.
          Nahuli ni Mauro si Abrahim at binuhat niya ito sa balikat at habang mahigpit na hinawakan niya sa braso si Joaquin. Habang si Jolina naman ay nakagapos sa kamay ni Lucio.
          “Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” pagpupumiglas ni Jolina.
          “Tumahimik ka! Kung ayaw mong ipakain kita sa pating!” sumbat ni Lucio sa kanya. “Pahamak kayo!”
          Dahil sa katigasan ni Jolina, sinipa niya ang pagkalalaki ni Lucio at dahil sa lakas ng pagkasipa ay napmaluktot it sa sakit, sanhi upang mabitawan niya si Jolina.
          “Takbo Jolie..takbo!” sigaw ni Abrahim sa kaibigan na kumaripas rin ng takbo.
          Subalit hindi pa man ito nakakalayo, ay may biglang humampas sa kanya sa mukha at humandusay sa sahig. Bahagyang nahilo ang bata at dumugo ang labi nito
          “E-Ehn.rico..” hirap na bigkas ni Lucio sa pangalan ng pinuno nila habang hawak-hawak ang bahaging sinipa ni Jolina.
          Tahimik parin si Enrico, lumapit ito kay Jolina at dumura. Pagkatapos ay tahimik itong tinanggal ang suot niyang sinturon. Nang tuloyan na nitong matanggal ang sinturon ay hinagupit niya ng latigo ang bata gamit ito. Di masukat ang sakit na nararamdaman ni Jolina dulot ng sinturon sa tuwing dumadampi ito sa manipis niyangbalat. Di maimpit ang iyak ng batang babae hanggang sa ito ay manghina ng lubusan.
          Maya-maya pa ay tumingin siya kay Mauro. Nagpapahiwatig na ibaba ang dalawang bata mula sa pagkakabuhat nito sa balikat. Marahan at tahimik itong lumapit sa dalawang bata, nakikita niyang nangingnig ang mga ito imbes na maawa ay ngumiti ito sa kanila at sa kaloob-looban ni Enrico ay naramdaman niyang tumigas ang kanyang pag-aari, nakaramdam siya ng init sa katawan habang pinagmamasdan ang dalawang batang lalaking mangiyak-ngiyak na sa takot.
          Marahan nitong inangat ang kamay niyang may hawak na sinturon upang simulan ang paglatigo. Huminga ito ng malalim at inipon ang lakas sa kanang braso nito na ang pinupuntirya ay si Abrahim. Akma na sana itong hahampas ng biglang yumanig ng malakas ang barko at nagkaroon ng malaking pagsabog. Tumilapon ang dalawang kasamahan ni Enrico sa sahig, habang siya ay humandusay sa dalawang bata.
          Sumunod nito ay umalingawngaw ang ingay ng mga pasaherong halos magkandarapa sa pagtakbo. Marahang bumangon si Enrico at tumingin sa likuran niya. Nasilayan niya na nagliliyab ang kabilang dulo ng barko habang nakadikit pa ang isang barkong bumangga sa kanila na may kargang daan-daang tolenadang langis at gas.
          “K-kaibi-gan….ba-bangon…” gising ni Abrahim kay Joaquin.
          “A-anong nangyari…bakit may apoy? A-ang mga tao?” takot na wika ni Joaquin habang pinagmamasdan ang paligid na nagkakagulo na sa oras na ‘yon.
          “Hi-hindi ko alam…”
          Narinig sila ni Enrico at lumapit sa kanila. Tila nawawala sa isip ito. Hinalbot niya ang dalawang bata.
          “Bitiwan mo kami…bitiwan mo kami..!”  iyak ni Joaquin.
          “Enrico…!” tawag sa kanya ni Lucio at hindi siya pinakinggan.
          “Enrico…iwan mo na ang mga iyan…kailangan nating makaalis dito...nasusunog na ang barko!”
          “Walang aalis! tumabi ka diyan sa dinadaanan ko… kailangan nating madala ito sa manila!”
          “Nababaliw ka na ba?! Nasusunog na ang barko!”
          “Umalis ka!” pagmamatigas niya.
          Hindi na pinigilan ni Lucio si Enrico at dagli itong umalis, pupuntahan pa sana niya si Mauro pero pansin niyang lumalala na ang nangyayaring sunog. Dahil sa taranta at takot ay tumalon ito sa dagat, pero kumalat ang langis sa tubig at nagliyab ito kasama siya.
          Hawak-hawak parin ni Enrico ang mga bata. “Hinding-hindi ko hahayaang makatakas kayo uli! Mga anak kayo ng puta!” paninigurado niya sa mga bata na puno ang sarili ng matinding poot.
          Pilit paring nagpupumiglas ang mga bata. Hanggang sa napasigaw na lang si Enrico ng bigla nalang siyang kinagat sa braso ni Joaquin at dahil buhat niya sa balikat si Abrahim ay kinagat din siya nito sa tenga. Sa tindi ng pagkakagat ni Abrahim sa tenga bumaon ang mga ngipin nito at dumugo. Nabitawan niya si Joaquin at itinapon si Abrahim sa sahig. Mabilis na nilapitan ni Joaquin ang kaibigan habang naguumaray pa si Enrico sa sakit ng kagat ni Abrahim. Sanhi nito ay tumindi ang kanyang galit, at nilapitan ang dalawa na puno ng dugo ang pisngi at balikat nito. Hinila niya ang damit ng mga bata, pero maya pa’y biglang may malakas na humampas sa kanyang mukha at napasigaw ito sa sakit.
Nakita ni Abrahim si Jolina na hawak ang sinturon ni Enrico. Mabilis silang tumayo at agad tumakbo palayo sa halimaw, subalit naabutan ang binti ni Jolina at mahigpit na hinila ito ni Enrico. Nataranta ang mga bata, hinila din nila si Jolina mula sa pagkakahawak pero mahigpit ang kamay ng tosong  si Enrico. Pinulot ni Joaquin ang sinturon at malakas na pinaghahampas ito sa kanyang mukha. Sa oras na iyon ay ramdam ni Joaquin ang naguumapaw na poot at ang pagnanais na gumanti, habang pinaghahampas niya ang taong pinagsamantalahan ang kanyang kamusmosan ay puno ng luha naman ang kanyang mga mata. Binaliktad niya ang sinturon ng sa gano’y ang parte nito na may bakal ang tatama sa mukha ni Enrico. Nabitawan ni Enrico ang binti ni Jolina, pero patuloy parin si Joaquiin sa kanyang paglalatigo  kay Enrico.
Lumawak ang pagkadilat sa mata nina Abrahim at Jolina ng napansin nilang umaapoy ang kamay ni Joaquin na siyang ipinagtataka nila na parang hindi man lang nararamdaman ito na nagliliyab na ang kanyang mga kamay.
“Tama na! T-tama na…” pangtitigil ni Abrahi.
Nahinto si Joaquin sa kanyang ginagawa. Na may tila ngiti sa mukha.
“A-ang mga kamay mo…” sambit ni Jolina.
Sa oras na ‘yon parang wala sa sarili si Joaquin, tulalang tinitingnan ang mga kamay niyang nagliliyab na parang balewala sa kanya ito.
Pinagtutulangang patayin ng dalawang bata ang apoy sa mga kamay ni Joaquin at nagawa naman nila ito. Subalit wala na silang oras at kailangan na nilang umalis doon, iniwan nila ang katawan ni Enrico na walang malay at duguan ang mukha.
Pero nakaramdam ng awa si Abrahim, at sinulyap ang walang malay na si Enrico pero huli na ang lahat dahil dahan-dahan ng kinakain ng apoy sa paligid ni Enrico.

Nagkaroon muli ng malakas na pagsabog at niyanig ng malakas ang barko na unti-unti na ring lumulubog. Dahil nga sa dami ng tao na nagpapanic na sa mga sandaling ‘yon at pilit tinatakasan ang peril ng kamatayan dahil sa malakas na pagyanig ay tumilapon ang mga pasahero at halos matabunan ang tatlong bata. Nabitiwan ni Abrahim si Jolina, at tumilapon kasama ng iba na nahulog sa dagat.
“Jolie! Jolie!” sigaw ni Abrahim habang nasa taas siya ng barko at hinahanap ang kaibigan sa dagat na nagliliyab na parang impyerno. Bumaha ang luha sa kanyang mga mata, at namayani ang takot. Pero pilit parin niyang pinapatatag ang sarili habang binabanggit ang katagang Amang….Inang…at pagdadasal kay Bathala sa isipan. Lumingon siya sa kanyang likuran, pero wala na din dun si Joaquin, wala na ang kanyang kaibigan.
Habang siya ay naiwang mag-isa sa gitna ng nag-aapoy na barko.

*******************


          Maaliwalas ang pagsilang ng bagong umaga. Rinig ang huni ng mga ibon na parang binabati ang bawa’t isa. Isa-isang tumitilaok ang manok, at nagsisimula ng mag-ingay ang mga sasakyan.
          At sa isang maliit na bahay na yari sa pinagtatagpi-tagping kawayan at kinakalawang na bubong, ay maririnig rin ang iyak ng isang sanggol habang dinuduyan ng 64 years old na matandang babae na si Lola Paring.
          “Kung kelan pa ako tumanda dun pa ako binigyan ng bata..” wika niya sa kanyang sarili habang dinuyan-duyan ang bata.
          “Paano ka naman kasi napunta sa bag ko..” wika niya na kinakausap ang sanggol. “Mamaya pupunta tayo sa estasyon ng pulis para ipagbigay-alam natin kung saan ang magulang mo..” sabay buhat sa sanggol.
           

          Nasa tabi na ng kalye ang matanda at nag-aantay ng tricycle na masasakyan papuntang police station. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakasakay na ito.
          “Saan ang punta mo nay?” tanong ng tricycle driver.
          “Sa estasyon ng pulis tayo..”
          “Ah sige po..”
          Hindi pa man nalalayo ay tinanong siya ng driver.
          “Apo niyo po nay? Parang may ibang lahi po ata, ang gwapo ng sanggol..” puri niya.
          Tumingin si Lola Paring sa sanggol at ngumiti. Masarap sa kanyang pakiramdam ang marinig ang tanong ng drayber.
          “H-hindi hijo…naiwan ito ng magulang niya.”
          “Ahh, ganun po ba nay? Napakairesponsable naman ng magulang ng sanggol na iyan..at iniwan lang ang napakagwapong sanggol na ‘yan.” Bulalas nito. “S-saan mo pala nakita ang sanggol nay?”
          “Sa pyer…kahapon nung paalis ako ng barko.”
          “Ano nay sa barko? Ang Dona Paz ba tinutukoy niyo?”
          “Uu doon, kaya nga kailangan kong pumunta sa istasyon ng pulis para ipag-alam, baka hinahanap na din ito kanyang mga magulang..”
          “Hala, di niyo po ba alam nay ang balita?”
          “A-anong balita?”
          “Sumabog ang barko na ito sanhi ng bumangga ito sa katagpong barko na puno ng langis...”
          “Su-sumabog ang barko? Yung papuntang Manila?”
          “Opo… may binili akong diyaryo jan nay, basahin niyo po jan..”
          Mabilis na kinuha ng matanda ang diyaryong inipit ng goma sa harap ng kinauupuan niya.
          Totoo nga… mahinang bulong nito sa sarili ng mabasa ang dyaryo.
          Nakaramdam ng takot at pagkahabag ang matanda sa sinapit ng mga pasahero dito dahil sa mahigit apat na libung sakay nito ay lampas dalawampu lang ang pinalad na makaligtas.
          Napatingin si Lola Paring sa sanggol at nakaramdam ito ng pagka-awa dahil maaring kasama ang magulang nito sa lumubog na barko.

          Magiging ulila ang bata.

          “H-huminto ka hijo…” mahinang tugon ng matanda.
          “P-po?” pagtataka ng driver. "M-malayo pa po tayo sa istasyon ng pulis nay.."
          Napatahimik ang matanda, at muling sumulyap sa sanggol.

          “Bumalik tayo..”  basag niya sa kanyang sandaling pananahimik.