Wednesday, August 21, 2013

ISR: C07

Chapter 07


-Mark-

            “I’m Gay!”
     
     Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang mga salitang ito kay Philip. Naramdaman ko nalang bigla na isa-isang tumatayo ang balahibo ko sa leeg. Di ako makapaniwala-kaya nagdalawang-isip akong sagutin ito.

          “B-bakla ka??!” ito lamang ang naisambit ko. Halos nanigas ang panga ko, paralisado, at blangko ang utak. Lalo pa’t kinompirma pa niya ng pangalawang beses ito.

          “Uu, b-bakla ako..”

          Anak ng- Nagbibiro ba ang abnormal na ‘to?!

          Nagnarrowed ang tingin ko- lumabo ang aking peripheral vision. At ang mukha lamang niya sa oras na ito ang nakikita ko- Oh Fuck! He’s face is so serious.

          Tahimik ang paligid sa aming dalawa.

          Segundo ang lumipas ng aming pananahimik, ay pinutol ko ito ng malalim na buntong hininga.

          Nalito ako sa aking naramdaman, bakit parang ako pa ata ang mas kinabahan ngayon. Parang sa bawat pagtibok ng aking puso ay halos sasabog na ito. Hindi ko alam kung ano ang maging reaction o kung ano ang sasabihin ko sa kanya, kung kaya’t ang tanging ginawa ko na lamang ay marahang tumayo,

          “B-baka papasok na ang iba nating kasamahan b-budz, lalabas nalang muna ako..” wika ko habang marahan na tinungo ang pintuan. Balisa, so fucking confused this time! Hindi ko alam kung ano ang maging reaksyon ko. Gusto kong takasan ang presensya nya oras na ito.

          “Budz..” mahinang tawag ni Philip na siyang nagpahinto sa akin sa pagikot ng door-knob para buksan ang pinto. Ayaw kong may makakita sa aming dalawa na ganito ang momento, kung kaya sa labas muna ako. At ng makahinga, dahil sobrang sikip ng dibdib ko ngayon. Parang bombang nagaantay na sumabog.

          “Don’t worry budz.. magpapahangin lang sa labas..” mahina ko ring sagot, na puno ng kaba ang boses. Ano ba nangyayari sa akin bakit ganito, kinakabahan, na ewan! Fuck! Fuck! Bakit hindi ko magawang magalit sa buddy ko sa sinabi niya sa aking bakla siya. Kasi dapat talaga akong magalit dahil….

          Bigla akong nahinto sa aking pag-iisip ng marinig ko ang pigil na tawa ni Philip.

          Fuck! I knew it!

          “B-Budzz…HAHAHA--HAHAHAH-!!!!” sunod-sunod ang tawang kumawala sa bunganga ni Philip habang nagpagulong-gulong sa kama ko.

          Kumawala ang hangin na naipon sa baga ko. Marahang gumuhit ang kurbang linya sa mga labi ko, kumunot ang nuo, at uminit ang dulong taas ng aking tenga . “Buuuuddddzzz…..!! Putyak!!!” paprolong na tawag ko sa kanya at lampas leeg ang pagkapikon.

          Nabiktima ako ng mokong….Fuck you budz!!

          Mabilis akong bumalik sa kama at dinaganan siya, kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha niya.

“Fuck you budz!!!! Nakarami ka na sa akin gago kah!!!”

“MMmmmmmm..himdimm amm mmkahimnga..” wika niya habang nagpupumiglas. “HAHAHAHAHA!!!!!” klarong tawa niya ng matanggal ang unan sa mukha niya.

          Pinaghahampas ko siya ng unan. “may pabakla-bakla ka pang nalalaman diyan huh! Abnormal!”

          “Hahahhaa, nakakatawa ka budz, mukha mo kanina parang nakalunok ka ng ipis..!” tawang wika niya sa akin. “may pawalk-out2 ka pa huh…HAHAHAHA!”

          “PUTA MO!”

          “O.A mo!” ganti niya.

          “G-ganun..??” niwrestling ko siya at inikot ang kanang kamay sa likod. “Ano yung sabi mo uli?” tusong tanong ko, habang mahigpit na hawak ang kamay na inikot ko sa kanyang likod.

          “O-O-A…A-a-araay…b-budz…uu tama na..di na, suko na..”- nag-aarayng sambit niya habang natatawa parin.

          Binitiwan ko na siya baka matuloyan pang mabali ang braso.

          Magkatabi kaming nakatihaya sa kama. Nagtatawanan.

          “Kala ko talaga budz, serena ka na talaga…”

          “Haha, baliw! Di ko alam kung lagi mo talaga ako siniseryoso o oto-oto ka lang talaga..”

          “Ulol!” wika ko sabay hampas sa kanya ng unan sa mukha.


          Pero ang totoo napaisip ako sa sinabi ni Philip sa akin, dahil kahit dati pa talaga sa hacienda nila ay lagi akong nabibiktima ng mokong nato. Hindi ko talaga magawang hindi siya mapaniwalaan, ewan ko kung bakit lahat talaga ng bagay basta galing sa kanya siniseryoso ko.


          Malaki ang utang na loob ko sa papa ni Philip, dahil kung hindi sa tulong ng kanyang ama, sa kangkongan kami ni Lola pupulutin. Lumaki ako kay lola dahil dos anyos pa lang ako ayon kay lola ay namatay si Lolo dahil sa sa sakit sa puso. Hindi ko na nakilala ang mga magulang ko, at natanong ko ito minsan kay lola kung nasaan na ang mga magulang ko pero sabi niya, namatay ang mama ko matapos akong pinanganak, dahil kamadrona lang dati ang kaya nilang bayaran dahil sa hirap ng buhay at tungkol naman sa ama ko- walang nasasabi si lola.

Dating nakatira sa Davao sila lola, pero ng namatay si lolo bumalik siya sa Surigao dala ako na dalawang taong gulang palang noon. Doon na kami tumira hanggang sa magwawalong taong gulang ako sa Surigao, at sa araw mismo ng birthday ko ay sinalanta kami ng napakalakas na bagyo, at halos wasak lahat ang mga tahanan sa lugar namin at kasama na ang bahay naming yari lamang sa kawayan at nipa. Walang-wala kami sa panahong iyon at umaasa na lamang sa mga tulong mula sa mga iba’t ibang organisasyon. Hanggan sa nakita namin si Sir Ruel ang Papa ni Philip na nagbahagi rin sa mga panahon na ‘yun ng tulong. Dala-dala ako ni lola sa araw na ‘yun, puno kami ng putik ni lola habang bit-bit ko ang supot ng bigas at si lola naman ay dala ang supot na puno ng mga de latang sardinas. Hindi ko makalimutan ang araw na ‘yun na lumapit si lola kay Sir Ruel na umiiyak at nagmamakaawa sa kanya at hiniling ni lola na ipaampon ako sa kanya dahil ayaw niyang makita ang kanyang apo na nahihirapang kasama siya at mas gugustuhin pa niyang mag-isang nagugutom kesa makita akong nanghihina sa gutom.  

At pagkabukas nga nun hinanap kami ni Sir Ruel. Naawa siya sa amin at binigyan kami ng lote at pintayuan ng bahay sa hacienda nila doon sa Negros at pinag-aral rin niya ako. Dahil sa malaking utang na loob namin sa kanya at pasasalamat tumutulng kami sa kanilang sakahan sa pagtatanim at pag-aani sa tubohan. Pero, limang taon ang lumipas pumanaw na rin si Lola dahil sa sakit sa kidney. Napakasakit sa akin ang pagkawala ni lola pero hindi ako nawalan ng pag-asa at pinagpatuloy ko ang pag-aaral hanggang sa makatapos ako ng Highschool.

Dalawang taon ang lumipas nagkakilala kami ni Philip, naging kasama namin sa hacienda, kahit anak siya ng amo namin ay pinapatrabaho parin ito sa sakahan balita namin ay parusa ni sir Ruel sa kanya. Simula nun naging kasama na naming siya nina Radnie at Vincent. Pero mas mejo malapit kami ni Philip, ako ang lagi nitong nasasabihan ng mga problema at mga kalokohan. Alam ko na rin dati na gusto niyang maging sundalo dahil idol na idol niya si Don Rogelio ang lolo niyang dating sundalo.

Gusto kong maging computer engineer or electrical engineer dahil bata pa man ako ay mahilig na akong magbusisi ng mga bagay na may wires, battery or something na automated gaya ng mga sirang laruang robot na napupulot ko sa basurahan at inaayos pagkatapos ay dinagdagdagan ng kung anu ano na kunwari “inaupgrade” ko. Subalit wala naman akong sapat na pera at malabong makapag-aaral ako sa koleheyo ng basta-basta, kaya nung hinikayat ako ni Philip na mag-aral sa PMA at dahil sabi rin malaking binipisyo matatanggap, at naisip ko rin na malaking tulong rin ito para makapag-ipon ako ay pumayag rin ako. Okay rin sa akin dahil magkasama naman kami nila Philip at Vincent, at tiyaka mag-isa nalang din naman ako sa buhay, dahil wala na si lola at hindi ko rin kilala at alam kung nasaan ang mga magulang ko. Pero sa katunayan niyan, may lumang picture akong nakita sa cabinet ni lola, at ang nandun sa picture ay si lolo na nasa pinakagilid, sunod naman niya papuntang kaliwa ay si lola na hawak ang kamay ng babae na nakasuot ng simpleng wedding gown- at sigurado akong siya ang mama ko, pero punit ang larawan kaya hindi ko na alam kung sino ang kapares ni mama sa kasal, na 100% sure akong siya ang papa ko. Subalit makikita mo talagang sinadyang pinunit ito. Kung ano man ang dahilan sa likod ng pagpunit ng larawan, ‘yan ang hindi ko na alam.



 Hindi namin inasahanni Philip na kami lang ang makakapasa sa entrance exam para makapasok sa PMA.

Kaya heto ngayon, magkasama kaming dalawa bilang mga kawal ng bansa.

Subalit ang hindi alam ni Philip ay nagkausap kami ng papa niya ng malaman niyang papasok rin ako sa pagsusundalo kasama siya, alam kong ayaw ng papa niya ang kanyang naging desisyon. May sinabi sa akin si Sir Ruel na siyang tumatak sa isipan ko. Sa araw na iyon naramdaman ko ang tunay na pagmamahal ng ama sa anak; “Mark, alam kong malapit kayong magkaibigan ni Philip at dahil magkasama kayo sa gusto niyo- s-sana ikaw na bahala sa kanya at sana protektahan niyo ang isa’t isa kahit anong mangyari, at kahit alam kong kaya ni Philip lahat, sana sa pagkakataong ito ako ngayon ang hihiling sayo ng pabor, bantayan at alagaan niyo ang isa’t isa..”

Ang mga salitang ito ay siyang nagpalungkot sa akin dahil dati pa hinihiling ko na magkaroon ng ama na kagaya ni Sir Ruel, amang mag-aalala at magtuturo sa akin sa anong bagay. At ang hangaring ito ay kailanmay hindi ko naranasan, ang pagmamahal ng isang ama.

Kaya naman siguro, sa tuwing may mga operasyon lagi kong pinagdadasal na magkasama kami ni Philip upang sa ganun ay mabantayan ko siya. Hindi ibig sabihin na wala akong tiwala sa kakayahan ni budz pero para sa kahilingan ni sir Ruel at bilang isang malapit na kaibigan niya. Tinuturing ko na si Philip na kapatid at lahat ng kanyang mga kalungkutan, kasiyahan at hinaing ay sa akin natatapon niya lahat.
       
   Kaya naman ngayon ay dapat kung malaman kung ano yung bagay na gusto niyang sabihin sa akin at gusto niyanag maging lihim muna- alis na iyong sinabi niyang he’s gay. Dahil kung sasabihin pa niya uli iyon ay tatanggalin ko lahat ng balahibo sa kili-kili at binti niya.

          “So- ano talaga ang gusto mong sabihin sa akin budz?” basag kong tanong na nakangiti.

          Matagal itong sumagot, kaya lumingon ako sa kanya- Pak! Ang mokong, abot tenga ang ngiti. “’wag mong sabihing nababaliw ka na budz?”
         

“Finally-“ sambit niya.

“Finally what? Deretsohin mo na nga ako..nakakapikon ka na”

“Kami na..”

“Huh? S-sinong kayo?”

Tumingin rin siya sa akin na nakangiti, at ngayon ay magkaharap ang mukha naming. Bahagya rin akong napangiti dahil sa reaksyon ng kanyang mukha na parang batang binigyan ng candy.

But wait! Hindi kaya….sila na ni..

“Maribeth.. kami na ni Maribeth budz..!!!” galak na galak niyang banggit sa akin.

“Y-you mean… ikaw at ang anak ng tigre?”

“Olol! Wag mong matawag na anak ng tigre ang  bebkoh…”

“B-Beb ko..I-I mean mo?”

“hehe- ^_^ - uu” pacute na sagot niya sa akin, yung tipong nahihiya na parang ewan. Aahg! Nakakabadtrip tingnan- yak! at.... ('x') di ko na mapigil......

“HAHAHAHHAHA! Putyak! Ang lupet! Daig mo pa ang highschool kung makapagbebkoh… korni mo olol! HAHAHA!” di mapigilang matawa.

“budz!!!” sigaw niya na irritable ang tono.

Natahimik ako. “hehe, pasensya hindi kasi bagay sayo..pero totoo? Kayo na?”

“olol! Wala kang tiwala sa hagupit ko?”

“huu na! uu na! mayabang!” sang-ayon ko, na may naiwang natatawang boses parin.

“So, kelan pa?” naseryoso ako.

“kanina..after we kissed..”

“pagkatapos niyong maghalikan? So ang ibig sabihin hindi mo siya niligawan at pagkatapos mo siyang halikan kayo na agad, ganun? Lupet mo budz!”

Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “after she kissed me…”

“Woh-wo- tama ba pagkakainitindi ko, so una ka niyang hinalikan?” napatayo ako sa kama at kinwelyohan siya.

Tumango lang si Philip na may ngiti ang sa mukha.

“Holy rice! Lupet mo chong!!!” kinuha ko ang unan at madiing itinakip sa mukha niya.


Biglang nagbukas ang pinto.

“Wow pare! May nabubuong tamabalan pala dito…” tukso ni James sabay tawanan ng iba pa niyang kasamahan.

Mabilis akong lumayo kay Philip.

          “Mag-aminan na kasi…” dugtong ni Zalde.

          “ha-ha-hatsing serena!” sadyang sneeze ni james na sinundan uli ng tawanan ng iba.

          “Eh ga-gao ka pala-“

          “B-budz, wag mo ng patulan…” panghaharang ko kay Philip. Ang totoo pikon na pikon na ako pero pinigilan ko lang talaga ang sarili ko.

          “Ahh ano…ano?” yabang hamon ni James.

          “sayang ang oras ko kung papatol ako sa kagaya mong utak-putik..”

          “ano sabi mo!!?”

          Magrarambolan n asana ng biglang nagbukas ang pinto.

          “May kagulohan na naman bah dito?” biglang salita n gaming kapitan.

          “Cap!!” sabayang banggit naming lahat.

          “No sir, nagkatuwaan lang..” wika ko.

          “Ha-hatshing serena…s-sorry sir.. nagkatuwaan lang..” hirit parin ni James.

          “Okay, everyone magpahinga na ang lahat.”

          “Sir yes sir!”


***********



          Kinabukasan, at mag-aalas dos na ng hapon, ng bigla akong niyaya ni budz na magpunta sa St. Ignatius Cathedral para sa isang importanteng bagay.

          “Naman oh, ano pala ang gagawin natin dun?”

          “Basta sunod ka nalang….”

          Napabuntong hininga na lamang ako. “O sige basta bilisan mo lang dahil darating ngayon ang house-speaker at kailangan tayo magpunta sa General’s office dahil may gustong ipaabot sa atin, tungkol nung nakaraang encounter.”

          “Don’t worry mabilis lang ‘to..”

         

          Ilang sandali pa ay kaharap na namin ngayon ang simbahan. Napansin ko ang saya sa aura ni Philip sa oras na ito. Mabilis kaming naglakad papasok ng simbahan, at sa di malamang kadahilanan nandito pala si Maribeth.

          “Maribeth!” tawag ni Philip sa kanya.

          Lumingon ang anak ng tigre, Pak! Hindi ata bagay na tawagin ang babaeng tong anak ng tigre dahil napakaganda nga niya talaga.

          Lumapit kami kay Maribeth. Obvious na huli ako, dahil excited nga ang budz ko sa “lavidabz” niya.

          Nagyakapan ang dalawa, at sa nakita ko ay napabuntong hininga na lamang ako.

          And so it’s true na sila na nga..dahil sumunod na nangyari ay naghalikan ang dalawa sa harap ko.

          Nagkunwari akong may tinitingnan sa labas, at nag pawhistle-whistle. Olol talagang tao na ‘to dinala niya lang ata ako dito para ipakita sa akin kung paano sila maghalikan at upang maniwala akong sila na. Pak! talaga tong si budz oh..

          Nahinto ako sa pagtaghoy ng bigla akong may napansing mga sasakyan sa labas,

          Holy Rice!!!! Ang Tigre!!


          Mabilis kong nilingon ang dalawa pero, patuloy parin sila sa kanilang ginagawang tukaan.

          Lumingon ako uli sa labas, lumakas ang tibok ng puso ko ng mapansin kong patungo sila sa samibahan.. Paking Cow!! Pano ‘to..

          Gusto ko silang lapitan pero nagdadalawang isip ako na disturbuhin sila. But I don’t have a choice kung hindi gawin ang nasa isip ko.

          Maya pa’y natapos na sila,

          “By the way beb ipapakilala ko sa-“ (Pakk!!!!) hintong wika ni Philip at napaaray sa sipa ko.

          Sinipa ko siya sa tiyan upang mapayuko. Pagkatapos ay bigla ko siyang hinila papuntang altar at nagtago likod ng mesa na nasa altar na kinuberan ng puting tela.

          “Put- b-bakit m-mo ko sinipa budz…at a-ano to, b-bakit t-tayo nagtatago..?”

          “Shhhh! Tumahimik ka kung ayaw mong malamon ng tigre..”
         
    

      “Honey! You’re here?!” tawag ni General kay Maribeth.

          “A-ah eh.. h-hello Dad!” rinig naming boses ni Maribeth na nauutal at halatang kinakabahan din.

          “Oh what’s wrong? Are you okay?”

          “N-no dad..ahm I-I mean…I’m alright I just like the church so much that’s why I’m here..”

          “By the way, My daughter Maribeth…”

          “Nice meeting you lovely lady..” bati ng lalaki na may katandaan ang boses.

          “Ahmm T-thank you, s-so why y-you all here..”

          Natahimik ang lahat.

          “She’s the house-speaker of the nation honey, Rep. Joel Rodriguez.”

          “S-sorry, ang ibig kong sabihin mabuti po at nandito po kayo..” paliwanag ni Maribeth

          “Nagsadya muna kami dito dahil gustong makita muna ng house-speaker ang st. Ignatius para makapag-alay ng dasal..”

          “Ah-it’s good..its good…”

          “Honey?”

          “Y-yes Dad? "

         "Something bothering you?”

          “N-nothing dad…I’m Okay..”

          “Okay..ahem..so this way House-speaker, mas magandang lumapit tayo sa altar..” suhestyon ng isang boses, sigurado akong kay kapitan ang boses na 'yun.

          “No!” umalingawngaw ang boses ni Maribeth.

          Sa ngayon, patuloy ang paglakas ng tibok ng aming mga dibdib at unti-unting namumuo ang mga mala butil ng mais naming mga pawis sa noo.

          “Honey, what’s wrong?”

          “Ahh, w-wala dad, so-sorry nabigla lang ako..”

          “this way sir..”
         
          Pak! Ano ang gagawin namin ngayon. Unti-unti naming naririnig ni Philip ang mga apak nila General na papalapit sa aming pinagtataguan. Hindi namin alam kung ano ang gagawin.

          Papalapit ng papalapit ang mga tunog ng kanilang mga apak.

          “Oh so beautiful! The holy image of Mary…” inappreciate ng House-speaker ang rebolto ni Mary. Wait! Jesus Christ! Nasa harap lang namin ang imahe!

          Sa oras na ito sobrang dinadaga na ang aming mga dibdib sa kaba, habang nasisindak kami sa mga tunog ng kanilang mga apak na papalapit na sa aming kinaroroonan.

          Hindi ko na namalayan si Philip, nawala siya bigla sa likod ko.

          “2LT Villarama!” narinig ko nalang tinawag ni General si budz.


          “We're dead soldiers!” kaba kong wika sa sarili at hilamos ang sariling palad. Haizz, So help us God!






********
AHA!

Philip: What the-

Mark: Holy Cow!

Vincent&Radnie: LOL!

Philip: Tragedy! Huhu :( Mr. Author, make some way….Hate you man!

Mark: Oh yeah! So better pray for this chapter Phil! Hahahaaha

Vincent&Radnie: Bleh!! :P. 

Gij: ^_^ hehehe.   Don’t worry Lt. you’ll be alright! Ahmm, I hope! Hahaha




By the way guys maraming salamat sa pagbasa,  Even though sobrang tagal ng update.. hehehe.but thanks parin sa pag-aantay! Promise the next chapter ay aagahan ko.. :) Hugs! Tsup2! Lav you all mga bebzz!

1 comment: