Wednesday, August 21, 2013

C06


Chapter 6


Aha!!!

Philip: “Hey!! Hey!! Mr.?!  We’re so damn bored here man waiting for updates!”- biglang bukas sa pinto ng kwarto ko.

Gij: “ahh, hehehe.. sorry naman lieutenant! Haiz, pagalitan niyo ate ko nabuhosan niya ng juice ang keyboard ng laptop ko!!” – sabay kamot sa ulo at nagpapacute.

Radnie&Vincent: “Weh??” – biglang singit ng dalawang kurimaw sa pinto.

 Gij: mga ulol! Bakit kayo nandito?!

Radnie: “abay ewan ko sayo bakit kami nandito!”

Vincent: “Nakakainis ka ang tagal mong inupdate ang ISR…update mo na bilis! Bilis!!”-wika niya sabay talon sa kama ko at parang batang nangungulit at hinila-hila ang braso ko.

Gij: “UU na! uu na! heto na nga magaupdate na! wag moko hawakan tumatayo balahibo ko…”

Vincent: “yay! Ano sabi mo..ahh Pwes! Ito!” – tinalunan ako bigla NA PARANG nakikipagwrestling sa akin.

Mark: “Ahem!!”

Radnie, Philip, and Vincent: “Maarrk!” sabay ng tatlo.

Mark: “anong pinag-gagawa niyo dito?”

Philip: “At ano rin ang pinunta mo dito?”

Mark: “hehe, makikiupdate lang din ako kung ano na mangyayari sa next chapter tagal kasi eh...”

Tinginan silang tatlo sa akin. Napakatulis ng kanilang mga titig tagos hanggang likod.

Gij: Napabuntong hininga, “Okay! Maguupdate na. Argh!, anywayzz, thanks for being awesome guys! hehe…sobrang busy naman kasi sa trabaho at sa masters class ko at tapos this week lang nagdating ang keyboard na inorder ko para ichange sa laptop..kaya OA sa late ang update.”

Philip: “Tama na salita….bilisan mo na jan!”

Gij: “Heto na nga oh..heto na… masyado kayong atat.. sus kung hindi lang kayo....”

Mark,Vincent,Philip and Radnie: “Sige na…update mo na!”

Gij: “Okay fine!”- kunot nuo, rolling-eyes, at naglog-in sa blogspot. Enjoy!! ^_^


************************



-Maribeth-


          After that night, he never leaves my mind. I don’t know kung anong meron sa kanya, and I’ve earnestly been looking for his presence almost every day. Yung tipong naghahangad ka na sana kausap mo siya at pakiramdam ko’y napakalungkot ng araw ko kapag di siya nakikita. Arhg! Kainis! kasi naman, I feel so happy everytime we’re together. I’m not sure if this is normal to someone like me who never felt like this before. Ever since, nung nasa college pa ako ay school-bahay-kain-pasyal lang ang pinagagawa ko for almost decade of living sa states.

Puno ang isipan ko ng mga katanungang ngayon ko lang narealize na ang tanging makakasagot lang pala nito ay ang aking puso.

I surely fell in love with him! And I’m damn right that this feeling is true because I kissed him! and Gosh! Can’t imagine! I was the one who kissed him first. Hindi ko napigilan ang aking naramdaman, ang pag-ibig na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko. Ganito nga ba talaga ang pag-ibig- pakiramdam ko’y lagi akong nauuhaw at nanabik.  Sa isang halik lang mula sa labi ng taong minahal ko ay napuno ang lahat ng mga kakulangan sa aking puso at pagkatao at nasagot ang lahat ng mga katanungan na nagmumulto sa aking puso’t isipan. Kahit pakiramdam ko ay napakadesperada ko sa oras na iyon, but I guess it was worth it dahil nalaman ko rin na matagal na palang may pagtingin sa akin si Philip, yung pakiramdam ng nalaman mong you’re the reason of his survival. Gosh! Isn’t it so sweet and romantic huh?!   

Naguumapaw hanggang langit ang naramdaman kong kasiyahan simula sa araw na naging kami, na ngayon ay hindi ko inaakalang patapos na ang araw pagkatapos ng mga moments naming kanina. Kahit walang ligawang nangyari, dahil para saan pa kung OO din naman ang isasagot ko sa kanya sa bandang huli at hindi na ako kailangang magpakipot pa dahil kung sigurado naman ako sa nararamdaman ko para sa kanya eh mas mabuti na ‘yung malaman niya na agad-agad at baka naman maunahan pa ako ng bala. Gosh! Knock on wood ‘wag naman sana!.

Heto ako ngayon sa kama nakahiga, yakap-yakap ang  malambot na unan at naiisip ang halik ni Philip. Mga labi niya at ang nangungusap niyang mga mata. Oh Beth! For heaven’s sake stop it! I childishly poke my head. Ahmm, anyway, who cares if I’m acting like a child dreaming in my wonderland? But wait, “Ouch!” I pinched my cheek, “I’m not dreaming!” I assured myself. I just want to be sure, why? Because at this very moment I can’t still believe that finally, I found the man who gave me the real meaning of love.
And I’m not sure if mother-earth would believe me that Philip is my first boyfriend! And he has no idea about this. Eh baka lumaki pa ulo ng soldier ko, oh gosh! Heto na naman ako.

          Kakaunti lang ang nakikipagdate at nanliligaw sa akin dati, pero ang kaunting ‘yun ay sila yung mga lalaking hindi nakaka-alam na isang heneral ang papa ko, at ang marami sa kanila ay iyong mga lalaking hindi nangahas manligaw sa akin dahil takot sa status ng buhay at pamilya na meron ako, o di kaya’y natakot mula sa mga babalang sinsabi ni Daddy sa kanila. Then they end-up like “I think your dad hates me..”, Argh! Kung kaya’t hindi ko pinapaalam na may nakakadate ako dahil heaven knows we always end up like this. Super sa OA ang pagkastrict ng daddy ko, …
Then everything changes after I met Philip. Before galit ako sa pag-uugali ng mga sundalo and I’ve promised myself that I’ll never fall to a soldier, what I mean is, I love my dad very much and still thankful that he became my father, but for goodness! He’s an autocratic man, full of integrity and idealism! Sobrang higpit at napakaperfectionist sa lahat ng bagay, but I know well that Dad loves me so much, maybe this is one of the reasons why I told myself not to fall in love with a soldier because they’re so damn disciplined! For God’s sake I don’t want to end up my life living with a 1-2-3 partner!
And here I am, FAILED, I bobbled my own principle! My boyfriend is an AFP soldier, 2LT Philip Rey Villarama.

 Naging mahigpit sa akin si Dad after namatay si mommy sampung taon na ang nakalipas dahil sumabog ang kotseng sinasakyan niya. Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil si daddy sa paghahanap sa mga teroristang nagtanim ng bomba sa kotse. He is kind of reasonable, for being so protective to me.
Sa ngayon, hindi ko pa pinapaalam kay daddy ang status namin ni Philip dahil sigurado akong paghihiwalayin niya kaming dalawa. Kaya nga binabalak kong dito ko kukunin ang specialization ko sa medicine at upang sa ganun ay makapagpatayo na din ako ng sariling clinic dito sa bansa. Kung kaya’t sakaling malaman na ni daddy ay settled na ang magiging buhay ko dito sa pinas, dahil kahit sa ganitong edad halos kontrolado parin niya ang daan ng buhay ko and I hated it!

Nasa ganito akong pagmumuni-muni when my phone suddenly rings, Oh! A text message from Philip.
I can’t sleep beb ko! – His message. Yeah, You’re right, he called me “bebkoh!”. He never fails me na hindi mapangiti whenever he texted me like this.
Huh? Why?- I replied. Ahmm .....
………. -  See! I knew it! ‘Pag simple lang ang text ko o parang ordinaryo lang lagi niyang reply dito ay dots…as in straight dots…..
Hehe ^_^, Bakit naman beb?-  I paraphrased the message. Corny ng tawagan namin but then you guys have no choice coz I love it din naman.lol

Coz I cnt wait to be with you agn tomorrow bebko. he replied.

Hehe:P ang corny mo talaga! But thanks beb! kahit kelan, you always make me smile.. You know what, para talaga tayong mga teenager! -  text ko sa kanya, at hindi ko mapigilan ang ngiting gumuguhit sa aking mga labi. Gosh Beth, you’re so inlove!

Hala… teenager lang pala ang pwedeng mag text ng ganito bebko? :( - Reply niya uli. Abah, nagtampo agad.

OA ka beb huh, sad face agad. pero sige na aaminin ko kinikilig din naman ako kahit corny lang..heheh, mwah! – pahirit ko naman.

HeheJ, talaga kinikilig ka beb? Well, dapat lang gwapo kaya ng boyfriend mo, macho at brave soldier pa! package na ako sayo beb..! :P- - aba nagyabang!

Wah! 2Lt. Philip Mayabang! Bleh!:p

Bakit hindi pala bebko? L

Haha!Hindi noh?! You must be the one who’s so lucky kasi ako naging GF mo noh!- Coz I’m so damn sexy, and beautiful! All-in-one! Haha – ganti ko sa kanya.

Wahh! Uu na, basta ikaw lagi ako talo. Kaya nga bagay tayo eh, PERFECT COMBINATION! 
Diba- Astig lovidabs ko! -  haiz, kahit kelan ugaling sundalo talaga!.
Alam ko na iyan! Niresearch ko na ugali ng mga sundalong katulad mo! Bolero! hehehe- Reply ko. Pero aaminin ko, kinilig ako sa text niyang ito, with follow up message pa-
That’s why I Love You so much lovidabs ko! You’re my life now! Always Forever!
Oh Gosh! Philip I’m falling deeper! And I love you more than ever mylovidabz! You’re my heart now!- Muwahhh! –text ko naman.
Wow! Sarap naman! Hehe, paganti nga, Muwahh! Muwah! Muwah!
Aba nakarami ka huh! Hehe. I love you Phil!
I love you! I love you! I love you! I looovveee Yoooooooouuuu forever Doc!!!- how sweet^_^
Hehehe! Oo na! – reply ko na abot langit ang kilig.

*****************


-Philip-
       
          Hindi ko masukat ang galak ng aking puso. Na kami na ni lavidabz ko, I mean Maribeth. Hanggang ngayon ay nalalasap ko parin ang mga halik niya, at naririnig ko parin ang tibok ng kanyang puso. Kung dati ay may espasyo pa ang mga bawat salitang nabibitawan namin sa isa’t isa, pero ngayon wala ng limitasyong naghahadlang sa aming dalawa na maipadama ang mga salitang pagmamahal at tamis ng pag-ibig.
          Katext ko siya ngayon, dahil gusto kong lasapin ang napaka special na araw na ito. Kung pwede palang ay ihindo ko ang pagtakbo ng oras but you know, hindi ko naman ito magagawa kaya naman bago sisikat ang araw ay sisiguraduhin kong laging mapangiti si Maribeth kahit sa gabing ito. Not because she’s my gf now o dahil gusto ko, pero dahil I love her so much!
          At wala ng makapagbabago pa nito.
          I love you! I love you! I love you! I looovveee Yoooooooouuuu forever Doc!!!- (Sent!)
         
        Ehem…ehem!
          “Oh budz!” gulat kong sambit ng marinig kong naglinis ng lalamunan si Mark na pumasok sa kwarto mula sa paghilamos.
          “Parang iba ata ang kintab ng ngiti mo diyan hah, anong brand ng floorwax gamit mo?” sarkastikong sumbat niya sa akin habang nagpapahid ng mukha niya gamit ang face towel at umupo sa kanyang kama patalikod sa akin na naka boxer shorts at puting sando.
          “Ulol! Anong pinagsasabi mo diyan..hehe” maang-maangan ko na nakangiti at sabay baba sa cellphone.
          “Buang! Matutulog na, pero ngiti mo hanggang tenga parin, sino pala ka text mo diyan?”
          “Si..-“
          “Ang anak na naman ng tigre..” biglaang dugtong niya.
          “Ulol!”. Tumihaya ako, at ipinasok ang mga kamay ko sa ilalim ng unan na nasa ulo ko. Nagbuntong hininga, at ngumiti.
          “Maang-maangan ka pa diyan!”, ibinato niya bigla ang face towel niya sa mukha ko.
          “Pweh! Budz, kadiri ka!” daglian kong ibinalik pahagis ang nabasang face towel sa kanya.
          “Buang ka kasi, halatang siya katext mo..” natatawang sambit niya sa akin.
          “secret!” lumingon ako sa kanya at tusong nginitian si Mark.
 “Baliw ka kahit kelan!” nagpalingun-lingon ito ng ulo.
 “Maiba tayo, ano iyong sabi mo sa akin kanina na may sasabihin ka sa akin pag tapos ka na sa pinuntahan mo kanina..ano pala yun?” pag-iba niyang tanong sa akin.
          “Budz…” mahinang salita ko. “Sasabihin ko sayo pero lihim muna natin to huh..”
          “Huh? Eh ano pala yang napaka controversial na sasabihin mo sa akin at may palihim-lihim ka pang nalalaman..?”
          “Ah basta…..promise me lihim muna ito sa ngayon huh dahil dilikado pag malaman ng iba at kumalat…” lumapit ako kay Mark at tumabing umupo sa kama niya.
          “Baliw! Bilisan mo na! ano ka si Piolo Pascual?!” wika niya sabay siko sa abaga ko.
          “Pero please budz! Promise me that it’s between you and me muna itong sasabihin ko huh..?”
          Napakamot ng ulo, “Uu na! Uu na..sige na bilisan mo na diyan! Inaantok na ako..”
          “B-budz….”
          “Nakakapikon kana..” iritableng wika niya sabay buntong hininga. Halos matatawa na ako sa mukha niya, pero pinilit kong maging seryoso..
          “B-budz….”
          “Ah sige bahala ka diyan sa buhay mo..antok na ako..” bigla niya akong itinulak, at humiga sa kama.
“I’m Gay!”
          Natahimik ang paligid ng kwarto.
          Hindi ko mailarawan ang mukha ni Mark; tulala, dilat na dilat ang matang biglang napatitig sa akin.
          “B-bakla ka??!!” tanging naisagot niya sa narinig mula sa akin.
          Tumango lang ako, kagat-kagat ang ilalim bahagi ng aking labi.
          “Uu… B-bakla ako..”
          Tulala kaming dalawa.
               







1 comment: